Type Here to Get Search Results !

IBALON -Epiko ng Bikol-Epic of Bicol

Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga   Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.  Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita)kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.  Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon.  Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan,naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.  Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan.  Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.  Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang  kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.  Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila.  Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit  na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.  Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak.  Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.  Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon.  Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya.  Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang  mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.  Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan.  Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño:  Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.

I(caps)balon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.


Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na
lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita)kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.

(ads1)
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan,naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.

Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan.

Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.

Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.

Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila.


Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.

Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak.

Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.
(ads2)

Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon.

Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya.

Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.

Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan.

Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang
dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño:

Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit
maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.


Back To Homepage

Read more>>


Post a Comment

9 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
  1. Kelan to na-publish tas sino gumawa ng article na to?

    ReplyDelete
  2. Hi Pau... Ito ay ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong...Ito po ay nasulat noong mga 1890s po. Kindly refer to this site https://bcl.wikipedia.org/wiki/Ibalong for more info..salamat

    ReplyDelete
  3. Ito na po ba ang buong kwento nito o buod lamang ito?

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Anong uri nang epiko ito Microepic, Macroepic or Mesoepic?

    ReplyDelete