Type Here to Get Search Results !

Prinsipe Bantugan -Epiko ng Mindanao

Ikatlong Salaysay ng Darangan


Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa
kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.

Prinsipe Bantugan  (Epiko ng Mindanao)
Prinsipe Bantugan  (Epiko ng Mindanao)

Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
 
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
 
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali.
 
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
 
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.
 
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.

Prinsipe Bantugan  (Epiko ng Mindanao)
Prinsipe Bantugan  (Epiko ng Mindanao)


Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
 
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Source from:  http://www.bse.ph


Back To Homepage

Read more>>>


Tags

Post a Comment

5 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
  1. Plss pa korrect nmn yan dapat prinsesa datimbag yan

    ReplyDelete
  2. The author is unknown. Pasalin lang po kasi ang storya. Maaaring isa sa mga tribung maranao ang author nito.

    ReplyDelete