Type Here to Get Search Results !

Ang Pamana by Jose Corazon de Jesus)

Ang Pamana(Jose Corazon de Jesus)
Isang araw, ang ina ko'y nakita kong namamanglaw sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan, 

Ang Pamana by Jose Corazon de Jesus)
Nakita kong ang maraming taon noon kahirapan; sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw nakita kong ang maraming taon noon namamanglaw,
at ang sabi,"itong piano'y sa iyo ko ibibigay
ang kubertos nating pilak ay kay itang maiwan, mga silya't aparador sa kay titong ibibigay sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.


Pinilit kong pasayahin ang lunkot ng kanyang mukha tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa. Subalit sa aking mga mata'y may namuong mga luha na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala; naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawaawa tila kami'y iiwan na't may yari nang huling nasa
at sa halip na na magalak sa pamanang mapapala sa puso ko'y dumalawa ang malungkot na gunita,
napiyak akong tila isang kaawaawang bata,t
niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

Ang ibig ko sana nanay, kita,y aking pasayahin at huwag ko nang makitangikaw'y malulungkot man din,
O! Ina ko, ano ba ang naisipang pag hatiin
ang lahat  ng kayamanang naiwan mo sa amin? "wala naman"- yaong sagot ko,"baka ako'y tawagin ni Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin itong piyano,iyang silya't salamin pamana ko sa inyong bunsong ginigiliw...

"Ngunit Inang," ang sagot ko, "ang lahat ng kasangkapan ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan ang ibig ko'y ikaw inang
Hininhiling ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw.

Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay ni hindi ko matugtug sa tabi ng iyong hukay ang ibig ko'y ikaw inang
at mabuhay ka na lamang inililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman ni hindi ka maaaring mapantayan ng daigdigan ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw, Oh! ina ko
Ikaw'y wala pang kapantay.

 (Sources: Panitikang Filipino, Binagong Edisyon by Jose A. Arrogante, Nunilon G. Ayuyao at Vilma M. Lacanlale sa pahina 161)

Back To Homepage

Read more

Free Download Ang Pamana by Jose Corazon de Jesus pdf. Kindly click the button below.

Free Download

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.