Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang
maluwang na bukirin ay my napansin siyang kakaiba sa tuktok ng bundok, na tila
isang malaking ulupong na my pitong ulo. Kaya agad siyang nag balik sa kanyang
kaharian upang utusan ang mga kawal na sugpuin ang natanaw niyang malaking
salot sa tuktok ng bundok. At dahil sa dapit hapon na ng makarating at masabi
ng Hari sa kanyang mga kawal ang kanyang nakita ay minabuti na niyang ipag
pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang napaka panganib kung aabutin
ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.
Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag
iisip niya na baka sumalakay ang napakalaking ulupong na iyon sa knilang lugar,
Nasa ganoong pag iisip ang hari ng biglang makarinig siya ng mga sigaw at iyak
ng mga tao sa labas ng palasyo.
At ng biglang my tumawag sa Hari na kawal "mahal na
hari sinalakay tayo ng salot na iyong namataan sa tuktok ng bundok."
at agad inutusan ng hari ang kawal.
"Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang
mapaminsalang salot na iyon" at agad sumunod ang kawal sa utos ng Hari.
Maya maya pa ay nagbalik ang kawal na tila ba
napakalungkot at siya ay nag wika sa hari,
"Haring Laon hindi po namin nasugpo ang salot ngunit
amin siyang na itaboy pabalik sa tuktok ng bundok" agad sabi ng kawal
" kung ganon ay mainam kahit papaano ay natigil ang kanyang pananalanta sa
ating lugar." ang sabi ni Haring Laon. At ilang besses pang naulit ang
pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong ulo, subalit hindi talaga kaya
ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at bumubuga pa ito ng
apoy.
Hangang sa kumunsulta si Haring Laon sa mga pantas, my
mga pantas na nag sasabi na mag alay ng magandang dalaga sa malaking ulupong na
my pitong ulo upang tumigil ito sa pamiminsala. Ngunit labag sa kalooban niya
ang pasyang iyon sa kadahilanang my anak din si Haring Laon na napaka gandang
dalaga. Labag man sa kalooban niya ay pinaabot parin niya sa mga nasasakupan
niya ang balitang iyon.
At sa takot ng mga kadalagahan na baka sila ang gawing
alay sa ulupong ay pinintahan nila ang kanilang mga mukha upang matakpan ang
kanilang mga kagandahan. At nang naglibot na ang mga pantas upang pumili ng
dapat ialay sa ulupong ay wala silang mapili dahil sa ang lahat ng dalaga ay
nagmistulang nasunog ang mukha ng dahil sa apoy na ibinubuga ng ulupong na my
pitong ulo.
At bigong bumalik ang mga pantas sa kaharian, "Mahal
na Haring Laon wala po kaming napili dahil lahat silay nasunog ang mukha ng
abutin sila ng apoy na ibinubuga ng higanteng ulupong." sabi ng unang
pantas.
"Subalit si Princessa Talisay nalamang po ang
natitirang maganda sa ating lugar." ang sabi ng ikalawang pantas.
At nalungkot ang Haring Laon sa kanyang narinig,
"Aking amang Hari kung ako nalamang ang tanging pag -asa upang matigil ang
pamiminsala ng ulupong ako po ay pumapayag na maging alay." ang matapang
na wika ng princessa.
Samantala, isang banyaga ang nakabalita sa pananalanta ng
ulupong. Inalok ng binata ang Hari ng Kanyang tulong, At nag sabi na siya ang
pupuksa sa malaking ulupong na my pitong ulo.
"Matapang ka binata, kung mapapatay mo ang salot na
ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipapakasal ko rin
sa iyo ang kaisa isa kong anak na si pricessa Talisay. ang wika ng hari sa
matapang na binata.
Lingid sa kaalaman ng marami ay my kapangyarihan ang
binata na makipag usap sa mga hayop at insecto. Kaya sa kanyang paglalakbay ay
kinausap niya ang haring langgam na tulungan siyang sugpuin ang higanteng
ulupong sa pamamagitan ng pagapang nila sa katawan nito at kagatin ang ulupong.
Malapit na siya sa tuktok ng bundok ng makasa lubong niya si haring putakti at
sinbi niya ang pakay niya sa bundok at humingi siya ng tulong dito na pupugin
nila ang mata ng ulupong upang hindi ito makakita, at smang ayon naman ang
haring putakti sa kanyang plano.
At sumapit siya sa tuktok ng bundok at nag simula ng
gumapang ang mga langam sa katawan ng ulupong, at sinugod ng mga putakti ang
mga mata ng ulupong. At hindi na alam ng ulupong ang kanyang gagawin dahil sa
sakit ng kanyang nararamdaman, At sa gitna ng labanan ay napadaan ang mga uwak
at pinaki usapan ito ng binata na tulungan siya sa pag sugpo sa malaking
ulupong. At hindi naman siya nabigo dahil tinulungan siya ng mga uwak, pinag
tutuka nila ang pitong ulo ng ulupong kaya nag karoon ng pag kakataon ang
binata na mapugot ang bawat ulo ng malaking ulupong.
At siyay nagbalik sa kaharian na dala ang pitong ulo ng
higanteng ulupong, At agad nakarating balita ky Haring Laon at sinalubong niya
ang magiting na binata.
"Binabati kita sa iyong tagumpay matapang na binata,
ngunit hangang ngayon ay hindi ko pa alam ang iyong pangalan." wika ni
Haring Laon
"Kan po ang aking pangalan mahal na hari."
matuling tugon ng magiting na binata.At tinupad ng hari ang kanyang pangako na
ang kalahati ng kanyang yaman ay ibibigay niya ky Kan pati ang pangakong
pagpapakasal ky princessa Talisay. At masaya naman silang nagsama bilang mag
asawa.
At ang bundok ay pinangalanan na KanLaon upang sa pag
alaala sa katapangan ni Kan at kabaitan ni Haring Laon.