Type Here to Get Search Results !

PAGMAMAHAL -Isinulat ni Elmer Ricardo

(Tulang hugot para sa mga nasaktan pero bumawi naman)
Ang Tula na ito ay nagbahagi din ng magkatugmang tunog sa bawat pagtapos ng pangungusap. Ito rin ay may emosyonal na tema.

(Tulang hugot para sa mga nasaktan pero bumawi naman) Ang Tula na ito ay nagbahagi din ng magkatugmang tunog sa bawat pagtapos ng pangungusap.     Minsan na akong Nasaktan Akala ko hindi ko Kakayanin Pero sa awa ng diyos Ang sakit ay nawala na parang bula sa hangin.  Akala ko hindi ako masaktan Akala ko puso'y  di tablan Pero ng ikaw'y mawala Puso'y nanlulumo at mata'y lumuluha.   Ang Pag ibig talaga Akala mo'y s'ya na Akala mo wala ng iba Pero lahat katangahan pala.  Noong tayo pa  Puso ko'y puno ng kumpyansa Akala ko hindi ka mawala Kasi saktan kay di magawa.  Ang panahon ay tumatakbo At pagmamahalan natin ay naglaho Akala ko sa panahon sumasabay Pero ang puso pala'y pinapatay.  Noong una parang wala ng pag asa Akala ko hindi kayang mawala ka Ang damdamin ay nagdidilim Na parang inilibing ng malalim.  Lahat ng oras ikay dinaramdam Ikay laging isip at nawalan ng alam Mga mata'y puno ng luha Puso'y puno ng kirot at pagdurusa.  Pati trabaho ko'y nawala Lahat ng alam ay wasak at Giba Tanging nasa isip ay noong magkasama Nagsubuan ng pagkain at puno ng saya.  Akala ko wala ng lahat At sa mundo'y di na karapat dapat Dahil puso'y bumibigat At nasayang ang pag ibig na tapat.  Sa Panginoon ako'y kumapit At pinarinig nya ang awit Na nagsabing wag ipilit Dahil mayroon pang kapalit.  Ang kapalit ay iyong makamit Sa akin lamang ay kumapit Dahil ikaw ay nanlalamig Mabigyan ka ng mapagmahal ng mainit.  Ang pagmamahal nya'y totohanan Hindi ito mawala kailanman Pag ibig nya'y parang tubig na umaagos Kasabay ng inyong aliw di ito matatagos.  Author/Writer: Elmer Ricardo Http://pinoywritings.blogspot.com Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.



Minsan na akong Nasaktan
Akala ko hindi ko Kakayanin
Pero sa awa ng diyos
Ang sakit ay nawala na parang bula sa hangin.

Akala ko hindi ako masaktan
Akala ko puso'y  di tablan
Pero ng ikaw'y mawala
Puso'y nanlulumo at mata'y lumuluha.


Ang Pag ibig talaga
Akala mo'y s'ya na
Akala mo wala ng iba
Pero lahat katangahan pala.

Noong tayo pa

Puso ko'y puno ng kumpyansa
Akala ko hindi ka mawala
Kasi saktan kay di magawa.

Ang panahon ay tumatakbo
At pagmamahalan natin ay naglaho
Akala ko sa panahon sumasabay
Pero ang puso pala'y pinapatay.

Noong una parang wala ng pag asa
Akala ko hindi kayang mawala ka
Ang damdamin ay nagdidilim
Na parang inilibing ng malalim.

Lahat ng oras ikay dinaramdam
Ikay laging isip at nawalan ng alam
Mga mata'y puno ng luha
Puso'y puno ng kirot at pagdurusa.

Pati trabaho ko'y nawala
Lahat ng alam ay wasak at Giba
Tanging nasa isip ay noong magkasama
Nagsubuan ng pagkain at puno ng saya.

Akala ko wala ng lahat
At sa mundo'y di na karapat dapat
Dahil puso'y bumibigat
At nasayang ang pag ibig na tapat.

Sa Panginoon ako'y kumapit
At pinarinig nya ang awit
Na nagsabing wag ipilit
Dahil mayroon pang kapalit.

Ang kapalit ay iyong makamit
Sa akin lamang ay kumapit
Dahil ikaw ay nanlalamig
Mabigyan ka ng mapagmahal ng mainit.

Ang pagmamahal nya'y totohanan
Hindi ito mawala kailanman
Pag ibig nya'y parang tubig na umaagos
Kasabay ng inyong aliw di ito matatagos.

Author/Writer: Elmer Ricardo
Http://pinoywritings.blogspot.com
Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.