Sang- ayon sa kasaysayan ng ating bansa, si Lapu Lapu ay
siyang itinuturing na kauna-unahang bayaning Pilipino.
Simula pa lamang sa kamusmusan, kinamalasan na siya ng
bilis, katapangan, lakas ng loob at pagiging masunurin sa kanyang mga magulang
na sina kusgano at Inday Putil. Naging asawa niya si Bulakna, isang magandang
prinsesa na anak ni Datu Sabtano. Pinagkalooban sila ng anak na lalaki na
pinangalanan bilang Sawili. Si Sawili ay lumaking tulad ni Lapu- Lapu na isang
matapang na mandirigma.
Ang pagdating ni Fernando Magallanes sa Sugbu, na ngayoý
tinatawag na Cebu, noong Abril 7, 1521, ay nakapagpabago sa takbo ng buhay ni
Lapu- Lapu at ng kanyang mga tauhan. Siya lamang ang tanging datu na hindi
kumilala sa kapangyarihan ng mga Kastila. Dahil dito ay nagpuyos ang galit ni
Magallanes. Sa pamamagitan ng anak ni Datu Zula, kaawaya ni Lapu- Lapu at ni
Raha Humabon, binalak ni Magallanes na lubusin ang Maktan at patayin si Lapu-
Lapu.
Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magallanes, kasama ang anim-
napung sandatahang Kastilla at 1,000 kapanalig na mga Sebuanos, sa pangunguna
ni Raha Humabon, ay sakay ng mga
bangkang tumungo sa isla ng Maktan. Dumating sila sa baybayinng Maktan bago
magbukang- liwayway ng Abril 27. Samantala nmn, si Lapu- Lapu at ang kanyang
mga kabig na binubuo ng 1,500 ay nakahandang naghihintay sa paglusob ng mga
dayuhan.
Kasabay ng pagbubukang- liwayway ng araw ng Sabado, abril
27, 1521, nagsimula ang madugong Digmaa ng Maktan. Ang mga sandatahang
pumuputok ng mga kastila ay hindi nakatinag sa mga mabangis sina Lapu- Lapu.
Ang Pagkamatay ng maraming kawal sa magkabilang panig ay hindi nangahulugan ng
pagtigil ng labanan. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga kastila laban
sa matatalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob
ng mahigit na isang oras ng si Magallanes ay tamaan ng kawayng sibat at bisig.
Bagamat sugatan, nanatiling nakatayo at magiting na nakipaglaban ang pinuno ng
mga Kastila. Sa pagkakataong ito, nagkaharap sila ni Lapu- Lapu. Nagpalitan
sila ng taga hanggang sa tamaan si Magallanes sa kabilang hita ng matalim na
tabakk ni Lapu- Lapu. Ito ang nagpabagsak kay Magallanes hanggang sa itoý
tuluyang namatay.
Makalipas ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon at
ng ilang natirang kastila na makuha ang bangkay ni Magallanes kay Lapu- Lapu sa
pamamagitan ng pagbili. Subali't ang kahilingan ay tinanggihan ni Lapu- Lapu at
sa Halip ay ginawa niyang tropeo ng digma ang katawang bangkay ng pinunong
puti. Tanging ang Diyos lamang ang nakabatid kung saang panig ng isla nailibing
ang labi ni Magallanes.
Ang buhay at kasaysayan ni Lapu- Lapu ay nanatiling alamat
sa isla ng Maktan. marami ang nagsasabing mga tagaroon na si Lapu- Lapu ay
nabuhay pa ng maraming taon hanggang sa katandaan at bigla na lamang nawala at
naglaho nang walang paalam sa kanyang mga nasasakupan. Karamihan sa mga
matatanda roon ay naniniwala na si Lapu- Lapu ay naging isang malaking dagat-
bato, na ngain ay tinatawag na Malingin, na makikita sa timog ng Puerto Engano.
Kung ito man ay totoo o hindi, masasabi nating wala itong gasinong kahalagahan
sa kasaysayan. Ang mahalaga ay mananatili siyang buhay sa puso ng bwat Pilipino
at sa ginintuang pahina ng mga Bayani ng Lahing Kayumanggi.