Everyday ay Mothers Day po. Itong Tula na ito ay isinulat ko para saking nanay at sa lahat ng mga nanay at anak dito sa mundo na nakaintindi sa salitang ginamit ko. Lahat ng mga nanay ay nagsakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Minsan nagkamali sila para sa ikabubuti natin. Pero ang pagkakamaling iyon ay kanilang itinatama para sa kabutihan nating mga anak. Sana po kahit may pagkakamali na magawa ang ang ating mga nanay ay mapatawad natin sila. Dahil ang pagkakamaling iyon ay balewala lang sa pag aalaga nila sa atin noong tayo ay bata pa.Minsan may mga batang iniwan lang ng kanilang nanay, pero pinagsisihan nila yon at sakit yon sa kanilang puso na habang buhay na mananatili. Kaya pakibasa naman po sa tula kong isinulat. Salamat po. Ang tula na ito ay may magkatugmang tunog.
Aking Ina-Isinulat ni Elmer Ricardo |
Sa lupalop ng mundong ito
Kung wala s'ya ay wala rin
ako
Siya na nagtitiis ng marami
Para sa lahat ng aking
ikabubuti.
Sa lahat ng bagay sa
aking buhay
Simula pa ng ako'y wala pang
malay
Lahat ng mayroon s'ya, sa
akin inialay
Sa lahat ng oras, salita
nya'y sa akin gumagabay.
O aking mahal na ina
Sa mundong ito ako'y
pinagpala
Dahil sa taglay mong
pagmamahal
Na hindi nawawala kahit ako'y
madaldal.
Noong ako ay maliit pa
At sa mundo'y wala pang
inaalala
Sayo'y sunod ng sunod sa'n
man magpunta
Dahil sa kasama kay walang
katumbas na ligaya.
Minsan inaaway kita
Dahil sa nagustuhan kong
walang kwenta
Kagustuhang sa bata'y
makapagpasaya
Ngunit ito naman ay
nakakasama.
Ngayon ako'y malaki na
At malayo na sa tabi mo ina
Minsan mga sinabi mo'y hindi
na pinagkaila
Pero sa puso ko'y ikaw pa rin
ang nauna.
Sa ngayon ako'y may sarili ng
utak
Sa mundong ito'y handang
sumabak
Ikaw aking ina aking
ikinagagalak
Dahil sayo nanggaling ang
lakas sa lahat ng tinahak.
Kailanman aking inay hindi
malilimutan
Dahil dugo mo'y nanalaytay sa
ugat at puso't isipan
Maaring ang tulang ito'y
magtapos
Pero ang pagmamahal mo'y
hindi matatapos.
Sa lakbay ng aking buhay
Dala ko ang tinuro mo aking
inay
Mga turo mong walang kapantay
At ito'y gumagabay sa akin habangbuhay.