Mga kababayan ito na naman ang aking maliit na tula na hango sa aking isipan at sa totoong buhay na maaring naranasan natin o mararanasan pa. Ang tulang ito ay may magkatugmang tunog at may halong hugot o madamdamin na pakiramdam.
Langit ay bughaw sa ating mga
mata
Kapag tayo ay tumitingin
pataas
Itoy puno ng ligaya't
kapayapaan
Ngunit ito'y itim kapag
umuulan
Ang langit ay ikaw kapag
ito'y titingnan
Maramdama't makikita ang
kagandahan
Tunay na ligaya’t sa langit
makita
Parang ikaw na nilikha ni
Bathala
Sadyang nilikha ang langit ni
bathala
Para mata'y mapakidlat sa
tuwa
Parang ikaw na naglalakad sa
hangin
Nagpunta sa puso't sa aking
damdamin
Paano abutin ang langit na
ikaw
Para puso ay hindi na
maliligaw
Sa mga mapaglinlang parang
langit ikaw
At puso'y mabulag sa mundong
ibabaw
Sana'y sa aking pagharap at
pag-amin
Sa langi't ikaw na aking susuyuin
Sana'y hindi maglagim at
umuulan
Para langit ikaw at ako
kailanman.