(1863-1897) Nagtatag ng katipunan
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong
Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at
Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika
ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena sa Meisik,
subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya napilitan
siyang huminto sa pag-aaral.
Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Nagsikap na lang siyang mag-aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat.
Natuto siyang gumawa at magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston. Naging
mensahero siya ng Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa
mga librong nabasa niya ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga
pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga makasaysayang aklat.
Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong
Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago at
lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila upang itatag ang KKK o
"Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan". Subalit noong pagkaraan
ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak buwagin.
Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang
himagsikan noong Agosto 23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan,
kung saan pinunit nila ang kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno.
Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng
kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10,
1897.