Ang Hinilawod ay isa
sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ang Hinalawod ng Kanlurang Bisaya.
Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. It raw ay
inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi.
Panahon noon nang ang
mga datu galing Borneo ay dumaong sa Panay. Labingwalong kuwento ang napapaloob
sa Hinalawod at ang bawat kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon.
Nagsimula ang kuwento
noong panahong ang mga diyoses ay nakikipamuhay pa sa mga tao at nagtatapos naman
sa panahon nang bilhin ni Bankaya (datu galing Borneo) kay Marikudo, Hari ng
mga Aeta.
Ayon kay Dr. Jose
Villa Panganiban, ang epikong Hinalawod ay dinatnan na sa Panay ng mga Kastila.
Hinilawod- Epiko ng Panay |
Simula ng Buod:
Si Kaptan ay bathala ng kalangitan at si Magwayen ay bathala naman ng
karagatan. May anak na lalaki si Kaptan na ang napangasawa’y anak ni Magwayen.
Ang pangasawahan ay nagkaanak ng apat: Likalibutan, Ladlaw, Libulan at Lisaga.
Sinulsulan ni
Lakalibutan sina Ladlaw at Labulan na makiisa sa kanya na lusubin ang
kalangitan upang siya ang maging hari ng sanlibutan (universe).
Walang pagsidlan ng
galit si Kaptan kaya kanyang pinagpupukol ng kulog ang magkapatid. Ang katawan
ni Likalibutan ay nagkanluluray at napatapon sa karagatan. Nang dumating ang
ikaapat na kapatid siya’y kinatay at pinagdalawang hati.
Nagsisi si Kaptan sa
kanyang ginawa. Muli niyang binuhay ang kanyang mga apo. Si Ladlaw ay ginawang
araw; si Libulan ay ginawang buwan; at sumibol naman ang mga kahoy kay
Likalibulan (sanlibutan). Ang unang hati ng katawan ni Lisaga ay naging unang
lalaki (Silalak) at ang huling hati ay naging unang babae (Sibabay).
Hinilawod bisaya
ReplyDelete