(1869-1899) Dakilang Heneral
Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa
Urbis Tondo, Maynila, Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga
magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad
ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.
Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose
Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang
ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan nila sa Pilipinas.
Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang
Chemist sa Municipal Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na
manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La Solidaridad" noong
panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo
sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik. Nagbalik siya sa Pilipinas.
Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya
ay sumama sa mga manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang
galing at katapangan ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas.
Nagtatag siya ng Military Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na
lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa
mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya
sumuko.
Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang
tinubuan. Ipinaglaban niya ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling
hininga.
Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva
Ecija sa gulang na 30. Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na
nagsasabing ang kanyang ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang
katawan ay ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago ilibing.