Type Here to Get Search Results !

Epiko ng Kumintang

Kumintang (isang epiko ng mga Tagalog)(Epiko ng Kumintang)
Kumintang (isang epiko ng mga Tagalog)
(Epiko ng Kumintang)

Ang epikong Kumintang ng mga Tagalog, hanggang ngayon ay hindi pa nabubuong mapagtahi-tahi ng mga mananaliksik, ngunit malinaw na nakikita sa mga watak- watak na awiting pandigmang natatandaan pa ng matatanda sa Batangas, Laguna,Quezon, Rizal at Kabite KUMINTANG .
Ang Kumintang ay kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal at Datu Balksusa ng Tayabas at ng Bai at Talim.

Ang nuno nating lahat,

Sa ukulog, di nasindak

Sa labanan, di naawat

Pinuhunan ang buhay, hirap

Upang tayong mga anak

Mabuhay ng mapanatag.

Itong ating kabukiran

Sampung bahay at tahanan,

Ibig nilang kuning tunay,

Maagaw sa ating kamay

Tayo baga'y mag asal

Gayong buhay tila patay?

Halina nga at usigin

Ang aliktiya, mga bukirin

At ang mga anak natin:

Tayo naman may patalim,

Dugo't buhay puhunanin.

Aba tayo kung wala na

Ang tirahang maligaya,

Pati anak at asawa

Mananaghoy, magdurusa;

Kaya ngayon, ay tayo na,

At ang buhay ay ipara.

<<<<Free Ebook pdf epiko ng Kumintang>>>

from Panulaang Tagalog, 1947 by Inigo Ed.
Regalado-Manila: Institute of National Language

Back To Homepage

Read more>>

News And Information
Epic
Legend
Bed time Stories
Motivational Stories
Spiritual Stories
Inspirational Stories
Love Stories
Kid Stories
Fable
Parable
Short Stories
Philipine heroes 

Post a Comment

1 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.