Ang tula ay may labindalawang or 12 pantig sa bawat taludtod or line at may apat na linya sa bawat saknong (stanza).
Sa Huling Silahis ni: Avon Adarna |
I
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
II
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
III
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
IV
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
V
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
Ano po yung panlahat na uri ng tugma
ReplyDeleteTungkol saan Ang tulang nabasa?
ReplyDeleteTungkol sa taong silahis
DeleteAnong mababaw na kahulugan nung third stanza
ReplyDeleteAno meaning ng silahis?
ReplyDeleteBabae at lalaki ang gusto
Deletesino po ang inspirasyong ng tula na ito?
ReplyDeleteMaaaring ang kanyang inspirasyon ay ang iniibig o karelasyon dahil ang tulang ito ay tungkol sa pag ibig at inspirasyon.
DeleteAno Po Ang mensahe na nakapaloob sa 1at2 saknong Ng tula?
ReplyDeleteano ang paksa ng tula?
ReplyDeleteAng Silahis po ay ang sinag ng araw sa pagitan ng mga ulap.
ReplyDelete