Type Here to Get Search Results !

Ang kwento ni Cinderella

Noong unang panahon may isang dalaga na nagngangalang Cinderella. Siya ay nakatira kasama ng kanyang madrasta. Hindi gusto ng madrasta si Cinderella. Pinagtatrabaho niya siya ng napakahirap araw-araw. Si Cinderella ay may dalawang kapatid sa labas. Ang kanilang pangalan ay Drizella at Anastasia. Ang kwento ni Cinderella  Ang mga ito ay HINDI kailanman nagtatrabaho. Nagiikot sila sa kanilang bahay suot ang kanilang magagarang damit. At palagi nilang pinagtatawanan si Cinderella dahil ang kanyang damit ay pangkaraniwan lamang. Isang araw, may isang sulat na dumating sa bahay. “Drizella! Anastasia!” tawag ng ina nila. “Pakinggan niyo ito!” Binasa niya ang sulat. Ayon dito: “Magbibigay ang hari ng isang salu-salo mamayang gabi. Ang kanyang anak, ang Prinsipe, ay mamimili ng mapapangasawa. Bawat dalaga sa kaharian ay dapat dumalo.” “Kung ganon pwede rin akong pumunta,” sabi ni Cinderella. “IKAW!” sigaw ng kanyang mga kapatid sa labas. At tumawa sila ng tumawa. “Pero sabi doon na bawat dalaga sa kaharian ay kailangang naroon,” sabi ni Cinderella. Ngumiti ang kanyang madrasta at sinabi: “Siyempre maaari kang pumunta, Cinderella. Maaari kang pumunta KUNG uunahin mong gawin ang iyong mga trabaho at KUNG mayroon kang damit na isusuot.” “O, salamat po,” sabi ni Cinderella. At siya’y umakyat sa kanyang kwarto. May ilang daga na nakatira sa kwarto ni Cinderella. Sila ay mga kaibigan ni Cinderella. Siya ay gumawa pa nga ng maliliit na damit para sa kanila. “Hulaan niyo?” wika niya. “Ako ay pupunta sa isang salu-salo sa palasyo.” “Hooray!” sigaw ng mga daga. Pinakita niya sa kanila ang luma niyang damit. “Kailangan lang ayusin ito ng kaunti,” sabi ni Cinderella. “At siguro lagyan ng laso at kwintas upang ito’y pagandahin!” “Oo, oo, Cinderelly!” sabi ng mga daga. “CINDERELLA!” tawag ng kanyang madrasta. Bumaba si Cinderella. “Gusto kong linisin mo ang sahig at punasan mo ang bintana at tanggalan ng alikabok ang mga kurtina” utos ng madrasta. “Ngunit ginawa ko na yan kahapon,” sabi ni Cinderella. “Gawin mo uli!” utos ng madrasta. Ginawa lahat iyon ni Cinderella ng ubod ng bilis sa abot ng kanyang makakaya. Ngunit palaging may isang utos na dapat niyang gawin. “CINDERELLA!” “CINDERELLA!” “CINDERELLA!” “Diyos ko,” sabi ni Cinderella. “Wala na akong oras upang ayusin ang aking damit.” “Si Cinderelly ay kanilang pinagtatrabaho, trabaho, trabaho,” sabi ng isang matabang daga ng ang pangalan ay Gus. “Mauubusan siya ng oras para ayusin ang kanyang damit,” sabi ng isang payat ng daga na nagngangalang Jack. “Kaya natin iyan!” sigaw ng mga daga. “Maaayos natin ang damit ni Cinderelly!” Pumasok sina Gus at Jack sa isang malaking kwarto. Ang mga kapatid sa labas ay nagsusukat ng maisusuot para sa salu-salo. “Ayoko na ng lumang lasong ito,” sabi ni Drizella. At inihagis niya ito. “Ayoko ng makita pa an kwintas na ito,” sabi ni Anastasia. At inihulog niya ito sa sahig. Kinuha ni Jack ang Laso. Pinulot naman ni Gus ang kwintas. Dinala nila ito sa kwarto ni Cinderella. “Tignan niyo! Nakita namin ang mga ito,” sabi ni Gus. “Maaari na nating gawing NAPAKAGANDA ang damit ni Cinderelly,” sabi ni Jack. Sila’y nagsukat. Sila’y naggupit. Sila’y nagtupi. Sila’y nagtahi. Sila’y gumawa ng napakabilis sa abot ng kanilang makakaya. Ang oras ay dumaan ng napakabilis. Kailangang tulungan ni Cinderella ang kanyang mga kapatid sa KANILANG mga damit. Nang siya ay tapos na, sinabi sa kanya ng kanyang madrasta: “Oras na para pumunta sa salu-salo, aking mga anak. Handa ka na ba Cinderella?” “Hindi pa po,” malungkot na sagot ni Cinderella. “Wala na akong oras para ayusin ang AKING damit.” “Napakasama!” sabi ng kanyang mga kapatid. “Kailangan mong matutong kumilos ng mabilis,” sabi ng madrasta. Pinagmasdan nila sa Cinderella habang umaakyat ito sa kanyang kwarto. Nang buksan ni Cinderella ang pinto, may nakita siyang isang kamangha-manghang bagay. Handa na ang kanyang damit. “Surpresa!” sigaw ng mga daga. “Ito ang pinakamagandang damit na aking nakita,” sabi ni Cinderella. At agad niya itong isinuot. Bumaba agad si Cinderella. “Sandali!” tawag niya. “Maaari na akong pumunta. Mayroon na akong damit.” Ang madrasta at kanyang mga kapatid ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita. “Ang aking Laso!” sigaw ni Drizella. “Ang aking kwintas!” sigaw ni Anastasia. Tinanggal nila ang laso at hinila ang kwintas. Nasira ang damit ni Cinderella. “Halina kayo mga anak,” tawag ng madrasta. “Ang Prinsipe ay hinihintay na kayo.” At sila’y nagtungo na sa palasyo. Si Cinderella ay naiwang mag-isa. Tumakbo si Cinderella patungo sa hardin. Sumunod ang mga daga sa kanya. “Gusto ko sanang pumunta sa salu-salo!” wika ni Cinderella. Ngunit wala ng saysay ito ngayon. Hindi kailanman natutupad ang mga kahilingan.” “Hindi, aking mahal?” winika ng isang boses. Tumingala si Cinderella. May isang maliit na babae na may pangkumpas. “Ako ang iyong diwatang ninang,” sabi niya. “Narito ako upang tuparin ang iyong kahilingan.” “Tignan ko ngayon,” sabi ng diwatang ninang. “Kailangan ko ng kalabasa, kabayo at ng aso. Anong swerte! Meron lahat dito. At — aba, oo! Kailangan din ng mga daga.” Nang marinig ito ng mga daga, nagsimula silang magtakbuhan. Ngunit pinigil sila ng diwatang ninang ng kanyang pangkumpas. “Ngayon para sa mahihiwagang mga salita,” sabi niya. “BIBBIDI BOBBIDI BOO!” Siya ay kumumpas. Ang kalabasa ay naging sasakyan. Ang kabayo ay naging taga-maneho. Ang aso ay naging taga-salubong. At ang mga daga ay naging mga puting kabayo. “Sakay na, aking mahal,” sabi ng diwatang ninang. “Ngunit ang damit ko!” sabi ni Cinderella. “Naku!” sabi ng diwatang ninang. “Muntik ko ng makalimutan.” Muli siyang kumumpas at naging magara ang damit ni Cinderella. Ang kanyang sapatos ay naging babasagin. “O, salamat po!” sabi ni Cinderella. “Sakay na!” sabi ng diwatang ninang. “Ngunit tandaan mo, lahat ng mahika ay matatapos pagsapit ng hatinggabi.” “Hindi ko po kalilimutan,” sagot ni Cinderella. At siya’y tumungo na sa palasyo. Sa salu-salo, ang hari ay umaangal. “Ang Prinsipe ay nakita na lahat ng dalaga sa kaharian,” sabi niya. “At hindi pa niya natatagpuan ang kanyang gusto.” “Bigyan nyo pa po siya ng oras,” sabi ng Grand Duke. “Nagkaroon na siya ng sapat na oras!” sigaw ng hari. Nang sandaling iyon, pumasok si Cinderella sa kwartong pinagsasayawan. Yumukod ang Prinsipe ng siya ay nakita. “Maaari ba kitang maisayaw?” tanong ng Prinsipe. “Oo naman,” tugon ni Cinderella. Buong gabi, si Cinderella lang ang isinayaw ng Prinsipe. Sumayaw sila na para bang nasa isang panaginip. Lahat ay nagsabi: “Anong ganda naman niya! Sino kaya siya?” Dumaan ang oras ng napakabilis. Biglang tumunog ang orasan na nagsasabing hatinggabi na. Tumakbo si Cinderella palabas ng palasyo. Habang siya’y tumatakbo, naiwan niya ang isa sa babasagin niyang sapatos. Nang marating ng Prinsipe ang baitang, wala na si Cinderella. Pinulot niya ang maliit na babasaging sapatos. “Ang dalagang may suot ng sapatos na ito ay siyang aking pakakasalan,” sabi ng Prinsipe. Inutusan niya ang Grand Duke na hanapin ang dalaga. Bago pa man makauwi si Cinderella, ang mahika ay natapos na. Ang sasakyan ay naging kalabasa muli. Ang nagmamaneho ay naging kabayo muli. Ang taga-salubong ay naging aso muli. At naroong muli si Cinderella at ang mga daga — tulad ng dati. Nang sumunod na araw, dinala ng Grand Duke ang sapatos sa lahat ng bahay sa kaharian. Sa huli, narating niya ang bahay nina Cinderella. Si Cinderella ay nasa kanyang kwarto. Una, si Drizella ang sumubok suotin ang sapatos. Ang paa niya’y mas mahaba rito. Pagkatapos, si Anastaria ang sumubok suotin ito. Ang kanyang paa naman ay mas malapad. “May iba pa bang dalaga rito sa inyong bahay?” tanong ng Grand Duke. “Wala na,” sagot ng madrasta. Bumaba si Cinderella ng oras na iyon. “Sino ito?” tanong ng Grand Duke. “Isa lamang siyang katulong,” sabi ng madrasta. “Wala akong pakialam,” sabi ng Grand Duke. “Siya rin ay maaaring sukatin ang sapatos.” At sukat na sukat ito sa kaniya! At kinuha ni Cinderella sa kanyang bulsa ang kapareha ng babasaging sapatos. Yumukod ang Grand Duke kay Cinderella. “Ikaw ang dalagang papakasalan ng Prinsipe,” sabi ng Grand Duke. Kung kaya’y nagtungo si Cinderella sa palasyo at pinakasalan ang Prinsipe. At sila’y nagsama ng maligaya pagkatapos noon. Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.
Ang kwento ni Cinderella
N(caps)oong unang panahon may isang dalaga na nagngangalang Cinderella.
Siya ay nakatira kasama ng kanyang madrasta.
Hindi gusto ng madrasta si Cinderella.
Pinagtatrabaho niya siya ng napakahirap araw-araw.
Si Cinderella ay may dalawang kapatid sa labas.
Ang kanilang pangalan ay Drizella at Anastasia.


You can buy a copy of Ang kwento ni cinderela here.

Promo price

 Download free (download)


Ang mga ito ay HINDI kailanman nagtatrabaho.
Nagiikot sila sa kanilang bahay suot ang kanilang magagarang damit.
At palagi nilang pinagtatawanan si Cinderella dahil ang kanyang damit ay pangkaraniwan lamang.
Isang araw, may isang sulat na dumating sa bahay.
“Drizella! Anastasia!” tawag ng ina nila. “Pakinggan niyo ito!”
Binasa niya ang sulat. Ayon dito:
“Magbibigay ang hari ng isang salu-salo mamayang gabi. Ang kanyang anak, ang Prinsipe, ay mamimili ng mapapangasawa. Bawat dalaga sa kaharian ay dapat dumalo.”
“Kung ganon pwede rin akong pumunta,” sabi ni Cinderella.
“IKAW!” sigaw ng kanyang mga kapatid sa labas.
At tumawa sila ng tumawa.
“Pero sabi doon na bawat dalaga sa kaharian ay kailangang naroon,” sabi ni Cinderella.
Ngumiti ang kanyang madrasta at sinabi:
“Siyempre maaari kang pumunta, Cinderella. Maaari kang pumunta KUNG uunahin mong gawin ang iyong mga trabaho at KUNG mayroon kang damit na isusuot.”
“O, salamat po,” sabi ni Cinderella.
At siya’y umakyat sa kanyang kwarto.
May ilang daga na nakatira sa kwarto ni Cinderella.
Sila ay mga kaibigan ni Cinderella.
Siya ay gumawa pa nga ng maliliit na damit para sa kanila.
“Hulaan niyo?” wika niya.
“Ako ay pupunta sa isang salu-salo sa palasyo.”
“Hooray!” sigaw ng mga daga.
Pinakita niya sa kanila ang luma niyang damit.
(ads1)
“Kailangan lang ayusin ito ng kaunti,” sabi ni Cinderella. “At siguro lagyan ng laso at kwintas upang ito’y pagandahin!”
“Oo, oo, Cinderelly!” sabi ng mga daga.
“CINDERELLA!” tawag ng kanyang madrasta.
Bumaba si Cinderella.
“Gusto kong linisin mo ang sahig at punasan mo ang bintana at tanggalan ng alikabok ang mga kurtina” utos ng madrasta.
“Ngunit ginawa ko na yan kahapon,” sabi ni Cinderella.
“Gawin mo uli!” utos ng madrasta.
Ginawa lahat iyon ni Cinderella ng ubod ng bilis sa abot ng kanyang makakaya.
Ngunit palaging may isang utos na dapat niyang gawin.
“CINDERELLA!”
“CINDERELLA!”
“CINDERELLA!”
“Diyos ko,” sabi ni Cinderella.
“Wala na akong oras upang ayusin ang aking damit.”
If you can' t afford to buy a copy. Kindly comment "I need free copy" below and share this story on your Facebook and twitter and download a free copy at the end of this story.Also follow our Facebook,YouTube, and twitter.
“Si Cinderelly ay kanilang pinagtatrabaho, trabaho, trabaho,” sabi ng isang matabang daga ng ang pangalan ay Gus.
“Mauubusan siya ng oras para ayusin ang kanyang damit,” sabi ng isang payat ng daga na nagngangalang Jack.
“Kaya natin iyan!” sigaw ng mga daga.
“Maaayos natin ang damit ni Cinderelly!”
Pumasok sina Gus at Jack sa isang malaking kwarto.
Ang mga kapatid sa labas ay nagsusukat ng maisusuot para sa salu-salo.
“Ayoko na ng lumang lasong ito,” sabi ni Drizella.
At inihagis niya ito.
“Ayoko ng makita pa an kwintas na ito,” sabi ni Anastasia.
At inihulog niya ito sa sahig.
Kinuha ni Jack ang Laso.
Pinulot naman ni Gus ang kwintas.
Dinala nila ito sa kwarto ni Cinderella.
“Tignan niyo! Nakita namin ang mga ito,” sabi ni Gus.
“Maaari na nating gawing NAPAKAGANDA ang damit ni Cinderelly,” sabi ni Jack.
Sila’y nagsukat.
Sila’y naggupit.
Sila’y nagtupi.
Sila’y nagtahi.
Sila’y gumawa ng napakabilis sa abot ng kanilang makakaya.
Ang oras ay dumaan ng napakabilis.
Kailangang tulungan ni Cinderella ang kanyang mga kapatid sa KANILANG mga damit.
Nang siya ay tapos na, sinabi sa kanya ng kanyang madrasta:
“Oras na para pumunta sa salu-salo, aking mga anak. Handa ka na ba Cinderella?”
“Hindi pa po,” malungkot na sagot ni Cinderella. “Wala na akong oras para ayusin ang AKING damit.”
“Napakasama!” sabi ng kanyang mga kapatid.
“Kailangan mong matutong kumilos ng mabilis,” sabi ng madrasta.
Pinagmasdan nila sa Cinderella habang umaakyat ito sa kanyang kwarto.
Nang buksan ni Cinderella ang pinto, may nakita siyang isang kamangha-manghang bagay.
Handa na ang kanyang damit.
“Surpresa!” sigaw ng mga daga. “Ito ang pinakamagandang damit na aking nakita,” sabi ni Cinderella.
At agad niya itong isinuot.
Bumaba agad si Cinderella.
“Sandali!” tawag niya. “Maaari na akong pumunta. Mayroon na akong damit.”
Ang madrasta at kanyang mga kapatid ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita.
“Ang aking Laso!” sigaw ni Drizella.
“Ang aking kwintas!” sigaw ni Anastasia.
Tinanggal nila ang laso at hinila ang kwintas.
Nasira ang damit ni Cinderella.
“Halina kayo mga anak,” tawag ng madrasta.
“Ang Prinsipe ay hinihintay na kayo.”
At sila’y nagtungo na sa palasyo.
Si Cinderella ay naiwang mag-isa.
Tumakbo si Cinderella patungo sa hardin.
Sumunod ang mga daga sa kanya.
“Gusto ko sanang pumunta sa salu-salo!” wika ni Cinderella. Ngunit wala ng saysay ito ngayon. Hindi kailanman natutupad ang mga kahilingan.”
“Hindi, aking mahal?” winika ng isang boses.
Tumingala si Cinderella.
May isang maliit na babae na may pangkumpas.
“Ako ang iyong diwatang ninang,” sabi niya. “Narito ako upang tuparin ang iyong kahilingan.”
“Tignan ko ngayon,” sabi ng diwatang ninang.
“Kailangan ko ng kalabasa, kabayo at ng aso. Anong swerte! Meron lahat dito. At — aba, oo! Kailangan din ng mga daga.”
Nang marinig ito ng mga daga, nagsimula silang magtakbuhan.
Ngunit pinigil sila ng diwatang ninang ng kanyang pangkumpas.
“Ngayon para sa mahihiwagang mga salita,” sabi niya.
“BIBBIDI BOBBIDI BOO!”
Siya ay kumumpas.
Ang kalabasa ay naging sasakyan.
Ang kabayo ay naging taga-maneho.
Ang aso ay naging taga-salubong.
At ang mga daga ay naging mga puting kabayo.
“Sakay na, aking mahal,” sabi ng diwatang ninang.
“Ngunit ang damit ko!” sabi ni Cinderella.
“Naku!” sabi ng diwatang ninang.
“Muntik ko ng makalimutan.”
Muli siyang kumumpas at naging magara ang damit ni Cinderella. Ang kanyang sapatos ay naging babasagin.
“O, salamat po!” sabi ni Cinderella.
“Sakay na!” sabi ng diwatang ninang.
“Ngunit tandaan mo, lahat ng mahika ay matatapos pagsapit ng hatinggabi.”
“Hindi ko po kalilimutan,” sagot ni Cinderella.
At siya’y tumungo na sa palasyo.
Sa salu-salo, ang hari ay umaangal.
“Ang Prinsipe ay nakita na lahat ng dalaga sa kaharian,” sabi niya. “At hindi pa niya natatagpuan ang kanyang gusto.”
“Bigyan nyo pa po siya ng oras,” sabi ng Grand Duke.
“Nagkaroon na siya ng sapat na oras!” sigaw ng hari.
Nang sandaling iyon, pumasok si Cinderella sa kwartong pinagsasayawan.
Yumukod ang Prinsipe ng siya ay nakita.
“Maaari ba kitang maisayaw?” tanong ng Prinsipe.
“Oo naman,” tugon ni Cinderella.
Buong gabi, si Cinderella lang ang isinayaw ng Prinsipe.
Sumayaw sila na para bang nasa isang panaginip.
Lahat ay nagsabi:
“Anong ganda naman niya! Sino kaya siya?”
Dumaan ang oras ng napakabilis.
Biglang tumunog ang orasan na nagsasabing hatinggabi na.
Tumakbo si Cinderella palabas ng palasyo.
Habang siya’y tumatakbo, naiwan niya ang isa sa babasagin niyang sapatos.
Nang marating ng Prinsipe ang baitang, wala na si Cinderella.
Pinulot niya ang maliit na babasaging sapatos.
“Ang dalagang may suot ng sapatos na ito ay siyang aking pakakasalan,” sabi ng Prinsipe.
Inutusan niya ang Grand Duke na hanapin ang dalaga.
Bago pa man makauwi si Cinderella, ang mahika ay natapos na.
Ang sasakyan ay naging kalabasa muli.
Ang nagmamaneho ay naging kabayo muli.
Ang taga-salubong ay naging aso muli.
At naroong muli si Cinderella at ang mga daga — tulad ng dati.
(ads2)
Nang sumunod na araw, dinala ng Grand Duke ang sapatos sa lahat ng bahay sa kaharian.
Sa huli, narating niya ang bahay nina Cinderella.
Si Cinderella ay nasa kanyang kwarto.
Una, si Drizella ang sumubok suotin ang sapatos.
Ang paa niya’y mas mahaba rito.
Pagkatapos, si Anastaria ang sumubok suotin ito.
Ang kanyang paa naman ay mas malapad.
“May iba pa bang dalaga rito sa inyong bahay?” tanong ng Grand Duke.
“Wala na,” sagot ng madrasta.
Bumaba si Cinderella ng oras na iyon.
“Sino ito?” tanong ng Grand Duke.
“Isa lamang siyang katulong,” sabi ng madrasta.
“Wala akong pakialam,” sabi ng Grand Duke.
“Siya rin ay maaaring sukatin ang sapatos.”
At sukat na sukat ito sa kaniya!
At kinuha ni Cinderella sa kanyang bulsa ang kapareha ng babasaging sapatos.
Yumukod ang Grand Duke kay Cinderella.
“Ikaw ang dalagang papakasalan ng Prinsipe,” sabi ng Grand Duke.
Kung kaya’y nagtungo si Cinderella sa palasyo at pinakasalan ang Prinsipe.
At sila’y nagsama ng maligaya pagkatapos noon.

Back To Homepage

Read more

Free Download Ang kwento ni Cinderella pdf. Kindly click the button below.

Free Download (download)

Post a Comment

1 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.