Type Here to Get Search Results !

Jose Paciano Laurel

Si Jose Paciano Laurel y García o kilala sa pangalang Jose P. Laurel ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 at yumao noong Nobyembre 6, 1959. Si Jose P. Laurel ay nanilbihan sa bansang Pilipinas bilang politiko, hukuman, at presidente ng ikalawang republiko ng Pilipinas noong taong 1943 hanggang 1945. Ang ikalawang republiko ay ang puppet state na itinatag ng mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig. Noong lumikas ang administrasyon ni Manuel L. Quezon patungong Estados Unidos ay inilagay sa posisyong pangulo si Jose P. Laurel. Hindi pa natatapos ang termino ni Manuel L. Quezon ay nagsimula na ang termino ni Jose P. Laurel sa pagkapangulo ng bansa.

S(caps)i Jose Paciano Laurel y García o kilala sa pangalang Jose P. Laurel ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 at yumao noong Nobyembre 6, 1959. Si Jose P. Laurel ay nanilbihan sa bansang Pilipinas bilang politiko, hukuman, at presidente ng ikalawang republiko ng Pilipinas noong taong 1943 hanggang 1945. Ang ikalawang republiko ay ang puppet state na itinatag ng mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig. Noong lumikas ang administrasyon ni Manuel L. Quezon patungong Estados Unidos ay inilagay sa posisyong pangulo si Jose P. Laurel. Hindi pa natatapos ang termino ni Manuel L. Quezon ay nagsimula na ang termino ni Jose P. Laurel sa pagkapangulo ng bansa.


Isyu na kinaharap

Ang pagkapangulo ni Jose P. Laurel ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na termino ng pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Kilala si Jose P. Laurel na puppet president ng mga Hapon. Ang tanging presidenteng inilagay sa posisyon ng mga hapon para sumunod ang mamayang Pilipino sa utos nila. Napagtanto ng mga banyagang sumakop na hindi makiki-lalahok ang mga Pilipino sa kanilang mga layunin kung sakanila mang-gagaling ang utos. Kaya naman ay naglagay sila ng marangal at karespe-respetong indibidwal na magtatatag ng kanilang layunin para sa bansang Pilipinas.

Matapos ang ikalawang pandaigdigang digmaan ay kinilala si Jose P. Laurel na taksil sa sariling bayan. Ang mga alegasyon tungkol kay Laurel ay hindi rin nag tagal dahil sa Amnesty Proclamation ni Manuel Roxas. Sa kabila ng pagiging kilala sa mga alegasyon na ibinato sakanya ay siya’y nabigyang parangal sa kaniyang pag suporta sa kalayaan ng bansang Pilipinas. Nung siya’y tinanong kung siya ba ay Pro-American o Pro-Japanese; ang kaniyang sagot ay ‘Ako’y Pro-Filipino’.

Talambuhay


Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.


Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.


Source: Brainly.ph

Back To Homepage

Read more⬇

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.