Type Here to Get Search Results !

Alamat ng Ulan- Akda ni: Riza R. Tormis Isinaayos sa tulong ni: Christian Mercado

Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza ang kanyang panalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat.        Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala. “Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?”. Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses “ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko”, “Ikinalulugod kong makilala ka” sagot naman ni Jac habang ngumingiti.Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito nagging dahilan upang magkamabutihan sila. Naging magaan ang loob nila sa isa’t isa at naging matalik na magkaibigan sila. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin.  Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.Dahil sa dalas nang kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa’t isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na magtagpo. Bago paman makaalis si Jac ay niyakap siya nang Dyosa ng mahigpit na mahigpit sabay sabing “kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”. Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan ng kanyang sinisintang manlalayag. Labis -labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan niya itong hanapin. Datapwa’t sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza. Nalaman niyang umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila na labis na nasaktan si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay minahal at pinagkatiwalaan talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang nadarama ay nangibabaw parin ang tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman hindi na niya ito ginambala pa at hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba.Sa kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa kalangitan at doon inilabas lahat ng sama ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman. Nagdulot ito ng paglabas ng napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata, naipon sa ulap at naging tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak ng tubig mula sa ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling tugon sa kanya ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta“kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.Mula noon ay tinawag niya itong ULAN na ang ibig sabihin ay “Luhang nagmula sa ULAP”.            N(caps)oong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza ang kanyang panalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat.     
   
(ads1)

Isang araw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala. “Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?”. Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses “ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko”, “Ikinalulugod kong makilala ka” sagot naman ni Jac habang ngumingiti.

Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito nagging dahilan upang magkamabutihan sila. Naging magaan ang loob nila sa isa’t isa at naging matalik na magkaibigan sila. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin.  

Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.Dahil sa dalas nang kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa’t isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na magtagpo. Bago paman makaalis si Jac ay niyakap siya nang Dyosa ng mahigpit na mahigpit sabay sabing “kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.
(ads2)

Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan ng kanyang sinisintang manlalayag. Labis -labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan niya itong hanapin. Datapwa’t sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza. 

Nalaman niyang umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila na labis na nasaktan si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay minahal at pinagkatiwalaan talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang nadarama ay nangibabaw parin ang tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman hindi na niya ito ginambala pa at hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba.Sa kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa kalangitan at doon inilabas lahat ng sama ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman. 


Nagdulot ito ng paglabas ng napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata, naipon sa ulap at naging tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak ng tubig mula sa ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling tugon sa kanya ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta“kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.Mula noon ay tinawag niya itong ULAN na ang ibig sabihin ay “Luhang nagmula sa ULAP”.


Back To Homepage

Read more>>

News And Information
Epic
Legend
Bed time Stories
Motivational Stories
Spiritual Stories
Inspirational Stories
Love Stories
Kid Stories
Fable
Parable
Short Stories
Philipine heroes 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.