(ads1)
Sa matinding pagod ng ibon at sa walang tigil na paglipad ay umisip ng paraan upang magkaroon ng mapagpapahingahan. Gumawa siya ng dahilan upang magkagalit ang langit at ang dagat. Kaya't isang araw, sa tindi ng galit ng dagat ay sinabuyan ng tubig ang pisngi ng langit, at itong huli'y gumanti sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga bato at malalaking kimpol na lupa sa dagat na siyang naging dahilan upang magkaroon ng mga lupain sa daigdig.
Ang ibon ay naging mapayapa at nagkaroon ng kasiyahan matapos magkaroon ng di-pagkakaunawaan ang langit at ang dagat.
(ads2)
Isang araw, samantalang ang ibong ito'y namamahinga sa dalampasigan, siya'y nahagip ng isang putol na kawayan na tinangay ng agos sa dalampasigan. Napasigaw sa galit at sa dahilang nasaktan siya'y pinagtutuka niya ang nasabi ng kawayan hanggang sa ito'y mabiyak. Lumabas ang isang lalaki sa unang biyas at sa ikalawa nama'y lumabas ang isang babae. Sila ang naging kauna-unahang babae at lalaki.
Sa paglipas ng mga araw ang lalaki ay nagpamalas ng pambihirang lakas kaya't tinawag nc si Malakas; sa kabilang dako ang babae naman dahil sa pagkakaroon ng di-pangkaraniwang kagandahan o.y tinaguriang si Maganda.