Si Mohandas S. Gandhi ay isa sa magiting na mga pinuno ng ika-20 siglo. Tinawag din siyang Mahatma Gandhi . Siya ay ipinanganak sa bansang India. Isang bansa ito sa kontinente ng Asya.
Isang tahimik at mahiyaing bata si Gandhi. Mapagmahal ito sa kanyang kababayan.
Noong panahon ni Gandhi, ang namumuno sa kanyang bansa ay mga British. Mga mamamayan mula sa bansang United Kingdom ang mga British. Sila ang sumakop sa India king kaya't sila ang gumawa ng mga batas nito. Ibig ni Gandhi na maging malaya ang kanyang mga kababayan. Nais niya ang pantay na pagtingin sa kanila bilang mga tao. Namuno siya laban sa mga British . Ibig niyang maging malaya ang kanyang bansa. Hindi siya gumamit ng armas. Mapayapa ang ginawa niyang paglaban. Hangad niya ang tahimik na pagprotesta.
Makalipas 30 taon ng mapayapang paglaban at pag-aklas ng mga British, nakamit ng India ang kanilang kalayaan. Noong 1948 ,pinatay si Gandhi. Naging huwaran ito bilang pinuno ng kapayapaan.