Type Here to Get Search Results !

DANDANSOY-Awit na Epiko

Ang “Dandansoy” ay isang awiting-bayan sa kabisayaan partikular na sa isla ng Panay. Ang awiting ito ay nása wikang Hiligaynon. May apat na saknong na tig-aapat na taludtod ang kanta. May bilang na walo (8) at siyam (9) na pantig ang bawat linya. Inukukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ngkasintahan na uuwi sa Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng makita sa Payaw. Dandansoy, bayaan ta ikaw, Pauli ako sa Payaw Ugaling kung ikaw hidlawon Ang Payaw, imo lang lantawon. Sa pangalawang saknong, binabalaan ng mang-aawit si Dandansoy na kung ito ay susunod (“apason”), huwag magbabaon ng tubig. Subalit kung ito ay mauuhaw, sa daan ay may maiinumang balon (“magbubon-bubon”). Ang mga saknong ay may tugmang aabb bbbb cccc dddd.  Dandansoy, kung imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling kung ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon. Sa pangatlong saknong, itinatanong kung nasaan ang kura sa kumbento at nasaan ang hustisya sa munisipyo dahil magsasampa ng kaso (“maqueja”) si Dandansoy–kaso sa pag-ibig. Convento, diin ang cura? Municipio, diin justicia? Yari si dansoy maqueja. Maqueja sa paghigugma. Sa huling saknong, sinasabi ng mang-aawit kay Dandansoy na dalhin ang kaniyang panyo upang maikompara (“tambihon”) nitó sa kaniyang sariling panyo. Kapag nagkatugma ang mga panyo, ang ibig sabhinin ay bana nitó si Dandansoy. Bilang awiting-bayan, walang kinikilálang sumulat sa kanta at wala ring kinikilálang mang-aawit, ngunit inawit na ng mga sikat ng mang-aawit gaya nina Nora Aunor at si Pilita Corales. Itinuturing din itong isang ili-ili o panghele sa batà upang makatulog.
Dandansoy

Ang “Dandansoy” ay isang awiting-bayan sa kabisayaan partikular na sa isla ng Panay. Ang awiting ito ay nása wikang Hiligaynon. May apat na saknong na tig-aapat na taludtod ang kanta. May bilang na walo (8) at siyam (9) na pantig ang bawat linya. Inukukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ngkasintahan na uuwi sa Payaw.
Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng makita sa Payaw.
Dandansoy, bayaan ta ikaw,
Pauli ako sa Payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon.
Sa pangalawang saknong, binabalaan ng mang-aawit si Dandansoy na kung ito ay susunod (“apason”), huwag magbabaon ng tubig. Subalit kung ito ay mauuhaw, sa daan ay may maiinumang balon (“magbubon-bubon”). Ang mga saknong ay may tugmang aabb bbbb cccc dddd.

Dandansoy, kung imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.
Sa pangatlong saknong, itinatanong kung nasaan ang kura sa kumbento at nasaan ang hustisya sa munisipyo dahil magsasampa ng kaso (“maqueja”) si Dandansoy–kaso sa pag-ibig.
Convento, diin ang cura? Municipio, diin justicia? Yari si dansoy maqueja. Maqueja sa paghigugma.
Sa huling saknong, sinasabi ng mang-aawit kay Dandansoy na dalhin ang kaniyang panyo upang maikompara (“tambihon”) nitó sa kaniyang sariling panyo. Kapag nagkatugma ang mga panyo, ang ibig sabhinin ay bana nitó si Dandansoy. Bilang awiting-bayan, walang kinikilálang sumulat sa kanta at wala ring kinikilálang mang-aawit, ngunit inawit na ng mga sikat ng mang-aawit gaya nina Nora Aunor at si Pilita Corales. Itinuturing din itong isang ili-ili o panghele sa batà upang makatulog.
Sa mga bisaya mayroon kumanta nito gamit ang ibang lyrics at pinaliit na version sa pagkanta.

Ito ang lyrics kapag kumain ng kamote,sopas at tsokolate.Maaaring si dandansoy ay naging unggoy ang kaluluwa.

"Dandansoy, 
Espiritu unggoy
Yoyo De kamote
Sopas tsokolate"

At ito naman ang lyrics  ng dandansoy sa inoman.

"Dandansoy 
Inom tuba laloy
Dili ako inom
Tuba pait aslom

Ang tuba sa baybay
Motingting,Mo-angay
Puno ng molaw-ay
Puno ng sumbagay."

Marami ang gumawa ng version ng dandansoy. Ngunit yong sa mga sikat lang ang sumikat. Ikaw anong masasabi sa Dandansoy?Maari ka na mag comment sa ibaba.

Back To Homepage

Read more>>>


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.