Type Here to Get Search Results !

Juan Pusong

Juan Pusong
Juan Pusong


Si(caps) Juan Púsong (Hu•wán Pú•song) ay tauhang sa mga trickster tale o kuwento ng panlilinlang sa Filipinas, lalo na sa Kabisayaan. Tiyak na may kaugnayan sa pangalan ng tauhang-bayan ito ang pagtawag din ng “púsong” sa tauhang katatawanan, katumbas ng payaso o lukayo, sa komedya nitóng ika-19 siglo. Hindi dapat ipagkamalî ito sa pusóng (mabilis ang bigkas) na isang masamâng tao at malimit ngang tawag sa kontrabida sa metriko romance at komedya.
(ads1)
 Ang pusóng at púsong ay nangangahulugang tuso at mapanlinlang. Ang kuwénto ng panlilinláng ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bayaning mahinà at malimit na api-apihan ngunit nakababawi sa dulo sa pamamagitan ng nakatutuwang panlilinlang. Malimit na biktima ng panlilinlang ang isang awtoridad (mayaman, datu, o mayabang na tao) kayâ sinasabi rin na isang paraan ito ng pagpapahayag ng subersiyon sa makapangyarihan sa lipunan. Bukod kay Juan Púsong, popular din sa Mindanao sina Pilandók at Abbunáwas, at may mga kuwento ng panlilinlang din si Juan Tamád.
(ads2)
Sa isang kuwento ni Juan Pusong, napansin niyang marami ang naihanda niyang pagkain para sa sarili kayâ inilibing niya ang pitóng palayok ng manok at pitóng palayok ng baboy sa aplaya at naglaro ng palaka. Isang barko ang dumaong at tinanong ng kapitan si Pusong tungkol sa palaka. Sinabi niya na mahiwaga ang palaka dahil tumutuntong ito sa lugar kung saan may pagkain. Nang hukayin ng kapitan at ng kaniyang tauhan ang dalampasigan na nilundagan ng palaka, nakita nila ang inilibing na pagkain ni Pusong. Sa paniniwalang makapangyarihan nga ang palaka, ipinagpalit ng kapitan ang kaniyang mga kargamento para dito.

Sa isa namang kuwento, inaresto at ikinulong si Juan, at itatápon sa karagatan. Bago dumating ang araw na iyon, napadaan ang isang prinsipe sa kaniyang kulungan. Sinabi ni Juan sa kaniya na ikinulong siya ng hari dahil tumanggi siyang pakasalan ang isang prinsesa dahil hindi siyá karapat-dapat dito. Nakipagpalit sa kaniya ang prinsipe at ito ang nalunod sa karagatan. Binalikan ni Juan ang haring nagpatápon sa kaniya. Sinabi niyang nakita niya sa ilalim ng dagat ang ama at kamag-anak nitó doon. Ipinag-utos ng hari na itápon siyá sa dagat at nalunod siyá. Naging hari si Juan.


Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.