I(caps)sa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970.
Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng liwanag. (ads1)
May sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan, na isang kulay lilang bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain at pakikipagsapalaran.
Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng kaniyang kasawian.1
Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang Palawan, at ilang gabi niya itong inawit. Isinalin sa Filipino ni Edgar B. Maranan ang tultul nang ilathala noong 1991.