S(caps)i Mariáng Makáling ang diwatang nangangalaga sa Bundok Makiling, Laguna. Siyá ang pinakatanyag na diwata sa mitolohiya ng Filipinas. Inilarawan siyá bilang napakagandang dalaga na hindi tumatanda. Mayroon siyáng mahabà ng buhok, nangungusap na mga matá, at kayumangging balát. Kalahating nimpa, kalahating silfide, isinilang siyá ng silahis ng buwan sa Filipinas at kinalinga ng misteryo ng kagubatan at lawa.
Mariang Makiling |