Type Here to Get Search Results !

Pamulinawen-Epiko sa Iluko ni Jose A. Bragado

A(caps)ng Pamulinawen ay isang awiting-bayan ng mga Ilokano. Ang awit ay ukol kay Pamulinawen, isang magandang babaeng may matigas na puso na parang bato. Kahit gaano kasugid ang lalaki sa panunuyo sa kaniya ay di niya ito pinapansin.
(ads1)
 
Pamulinawen
Nasa batayang sukat na 2/4, ang musika ay nasa mayor na tonalidad. Mabilis ang kompas nito at nasa estilong polka. Narito ang isang bahagi ng titik ng awit, gayundin ang literal na salin nito:
Babae: Uray no mano karutap ti pagbatayam
Kahit umakyat ka pa sa hagdan
A gumaw-at kaniak
Upang ako’y maabot,
Dikanto kanaen a magaw-atnak
Huwag isiping akoy magiging iyo T
a azucena ak a napnuan dayak.
Dahil ako’y isang magandang bulaklak.
(ads2)
Lalaki: Pamulinawen, pusok indenganman
Pamulinawen, may pusong bato, makinig:
Toy umas-asog a agrayo ita sadiam
Ang abang lalaking ito na sumasamo sa iyo,
Panunotem man, dika paguintutulngan
Tandaan at huwag kalimutan,
Toy agayat, agrayo ita sadiam.
Ang nagmamahal na laging sa iyo’y nangangarap.

Inareglo ang awit ng dalawang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika. Ang likha ni Maestro Lucio D. San Pedro ay para sa apatang boses na unang inilimbag noong 1969 sa kalipunang Mga Tinipong Panabayang-Awiting Pilipino nina C. Maceda at C. Bautista. Muli itong lumabas sa The Choral Works of Lucio D. San Pedro na inilimbag ng UP Concert Chorus noong 1975. Ang areglo naman ni Maestra Lucrecia Kasilag ay para sa tatluhang boses sa mataas na tono ng babae o koro ng mga bata.

Back To Homepage

Read more

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.