Type Here to Get Search Results !

Sandayo:Epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga

Ang Sandayo ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga. Kinalap, itinalâ, at isinalin ito sa Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng isang babaeng Subanon na kilalá bilang si Perena, sa loob ng pitóng magkakasunod na gabi, simula ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng madaling-araw, noong ika-9 hanggang ika-16 ng Hunyo 1980.

Una itong nailatlahala sa pamagat na Keg Sumba Neg Sandayo sa Kinaadman: A Journal of the Southern Philippines noong 1982. Pinamagatan naman itong Sandayo sa salin sa Filipino ni Antolina T. Antonio bilang pagkilála sa bayani ng epikong-bayan.

Pangunahing tauhan ng epikong-bayang ito si Sandayo, anak nina Datu Salaria at ng asawa nitóng si Salaong ng Tubig Liyasan. Gayunman, hindi siyá iniluwal ng kaniyang ina kundi nahulog sa buhok nitó sa ikasiyam na ulit na pagsuklay. Sa pagsapit ng kaniyang unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon ay masasaksihan ang katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon at labanan.

Binubuo ng 4,843 taludtod, isa ang Sandayo sa tatlong epikong-bayan ng mga Subanon. Ang dalawa pang nailathala na rin ay ang Ang Guman ng Dumalinao na binubuo ng 4,063 taludtod at ang Ag Tobig Nog Keboklagan na binubuo ng 7,960 taludtod. Kilalá rin ito sa tawag na guman na tumutukoy hindi lámang sa epikong-bayan ng mga Subanon kundi maging sa paraan ng pag-awit nitó. 
Nagaganap ang pagsasalaysay nitó sa isang buklog, ang isang linggong pagdiriwang na kinapapalooban ng awitan, sayawan, at kainan. Kaugnay nitó, pinaniniwalaan ng mga Subanon na kapag may isang ibong dumapo sa bubong sa panahong inaawit ang epiko, ito ay ang kaluluwa ni Sandayo–ang bayaning mangangalaga sa kanilang mga lupain at tubigan at magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng pamayanan.

Back To Homepage

Read more>>

News And Information
Epic
Legend
Bed time Stories
Motivational Stories
Spiritual Stories
Inspirational Stories
Love Stories
Kid Stories
Fable
Parable
Short Stories
Philipine heroes 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.