A(caps)ng Ulod ang epikong-bayan at pangalan ng bayani sa epikong-bayan ng mga Matigsálug, ang isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa hilagang kanluran ng Davao. Sa mga Matigsalug, tinatawag na ad-ulahing ang pag-awit ng epikong-bayan.
Tulad ng Tuwaang, ang epikong-bayan ng mga Manobo, binubuo rin ang Ulod ng ilang awitin, at karaniwang inaawit upang maging libangan tuwing may libing at kasal, at isinasagawa rin bilang ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani o tagumpay na pangangaso.
(ads1)
Nagsisimula ang epikong-bayang ito sa pagsusugo sa Dalaga ng Bundok Misimalun upang magtanim ng palay. Dalá ng hangin, agad na dumating ang bayaning si Ulod upang tumulong sa pagtatanim. Pag-uwi, natuklasan ni Ulod na ang kapatid niyang babae’y tinangay ng Binata mula sa Buttalakkan. Agad sumugod si Ulod at hinámon ang Binata.
Read also: