N(caps)oon ang Romblon ay isang kaharian. Ang namumuno ay sina Hating Marmol at Reyna Alabaster. Marami nang taong sila'y nagsasama bago nagkaroon ng supling.
Nang ang reyna ay naglagsang ng sanggol na babae, ang buong kaharian ay nagdiwang.
Ang hari ay nagpagawa ng palasyong yari sa marmol. Lahat sa palasyo ay marmol: mga dingding, sahig, higaan at upuan. Sa silid-kainan, ang mga plato, inuman at kutsara ay marmol din. Kahit na mga laruan at manyika ng munting prinsesa ay marmol.
(ads1)
Nang binyagan ang prinsesa lahat ng mga diwata at matataas na espiritu sa langit at sa lupa ay nagsidalo. Sila'y nangaghandog ng di pangkaraniwang regalo:
Bininyagan ni Bathala, Hari ng Kalangitan, ng pangalan ang bagong lagsang ng Pag-ibig;
Bininyagan ito ng Inang Lupa ng Talino;
Ni Hari sa Dagat ng Kayamanan;
Ni Batis ng Kasipagan;
Ni Buwan ng Kabaitan;
Ni Amihan ng Kahinhinan;
Ni Langit ng Kapayapaan; at
Ni Alapaap ng Pangarap
Sa gitna ng kasayahan ay may dumating na isang panauhing nakasuot ng tuksedong itim at may dalang kalawit. Siya ay si Dilim, ang Prinsipe ng Karimlan. Sa tinig na parang nagmumula sa puntod ng libing siya ay nagsalita, Sa sanggol ang dulot ko'y Sumpa ang Kalungkutan. Pagsapit niya sa gulang na labing-anim, siya'y masusu-gatan ng matulis at matalas na patalim. Siya'y mamamatay!
Nagulat at di makapangusap ang lahat ng nakarinig. Kaagad ay pinangko ng reyna ang sanggol na waring ito'y ayaw pahipan ng hangin.
Si Araw, ang Diyos ng Init ay kagyat na tumayo. Siya ay nasa likod ni Alapaap nang dumating si Dilim. Huwag kayong magugulumihanan! ang sabi sa mga taong nangasindak. Ang Prinsesa ay hindi tuluyang mamamatay habang panahon. Siya ay pagkakalooban ko ng regalong Pag-asa. Siya'y matutulog lamang nang mahabang taon. May Prinsipeng darating na gigising sa kanya!
Nasiyahan ang Hari, Reyna at mga panauhin. Nag-utos ang Hari, Alisin ang lahat ng sandata at patalim sa buong kaharian, lahat ng gamit tulad ng lanseta, gunting, karayom at aspili! Idinugtong pa, Upang walang makaakyat, pataasin at patibayin ang mga pader na tumatalikop sa palasyo!
Lumipas ang mga taon. Si Prinsesa Pag-ibig ay nagdadalagita. Siya'y kaakit-akit, matalino, mabait, tahimik at matipuno. Ang kanyang kutis ay simputi ng alabaster, at ang kanyang kulay ay makintab at makinis tulad ng marmoi. Ang kanyang tawa ay mahinhing lagaslas ng batis!
Ngayong siya'y dalagita na, siya'y naging palaisip. Sa pagkaka-upo sa fountain na marmol, ipupukol niya ang paningin sa itaas ng masinsing ulap na para bagang may hinahanap! Siya'y naging malungkutin. Ayaw na niyang makipaglaro sa kanyang manyikang marmol.
Dumating ang ikalabing-anim niyang kapanganakan. May nangyari! Nang siya'y nagpasyal sa hardin, may ibong nalaglag sa kanyang paanan. Kanya itong dinampot at pinagyaman. Kinipkip niya ito sa kanyang kaliwang dibdib nang di kaginsaginsa ay may sumalimbay na palaso na tumudla sa kanyang puso!
Dumalo ang hardinero.
(ads2)
Sino kayang tampalasang...? Si Dilim, kasama sina Kidlat at Lindol!
Nagkagulo sa palasyo.
Patay na si Prinsesa Pag-ibig!
Ang mga bulaklak sa kanyang buhok ay nauwi sa marmol na may iba't ibang kulay ng bahaghari - rosas, dilaw, lunti, lavender at asul. Ang munting ibon na kuyom ng kanyang palad ay buhay. Ito'y lumipad at napailanglang!
Dumaloy ang masaganang luha sa marmoi na pisngi ni Haring Marmoi at ni Reyna Alabaster. Sila'y kapwa lumuhod at niyakap ang kaawa-awang anak!
Ang pamilya, mga opisyales, mga alila, kawal at kusinero ay pulos naging marmol! Pati ang mga kabayo sa kabalyorisa. Sa hardin ang mga halaman, bulaklak, bungangkahoy at kahit ang tubig sa fountain ay naging marmol!
Sandaang taon ang lumipas. Napag-alaman sa iba't ibang kaharian ang misteryo ng palasyong marmol.
Sinubok tibagin ang mga pader na bakod ng palasyong marmol upang pasukin subali't ang palakol, pala, at martilyo ay walang nagawa! Ginamitan ng dambuhalang makinarya subalit nabigo. Hindi nila mapasok ang palasyo!
Sino ang makapagsasabi kung kailan darating ang mapalad na Prinsipeng makapapasok sa palasyo na siyang gigising sa Prinsesa? Gumising nga kaya sa halik ng Prinsipe? Tumibok pa kaya ang kanyang pusong marmol?