Type Here to Get Search Results !

Ang Aral ng Damo-Mailkling Kwento

Ang Aral ng Damo Ang Aral ng Damo  May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.  G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya? tanong ng anghel.  Hindi, ang sagot sa tinig na walang sigla, sapagkat ako'y walang bulaklak.  Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?  Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!  Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?  Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!  Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?  Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!  Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?  Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon! pakli ng narra.  Ang anghel ay nagpunta sa damo. Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?  Masaya ako ! sagot ng damo . Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!    Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya? tanong ng anghel.
Hindi, ang sagot sa tinig na walang sigla, sapagkat ako'y walang bulaklak.
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?
Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?
Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?
Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?
Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon! pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?
Masaya ako ! sagot ng damo . Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!

Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.