Type Here to Get Search Results !

Ang Mambububuyog-Pabula

May isang mambububuyog o tagapag-alaga ng mga Bubuyog na masigasig na taga-ipon ng pulot. Kapag naghahanap ng nektar at polen ang mga Bubuyog ay kinukuha ng mga tagapag-alaga ang mga nagawa nang pulot sa mga pulutpukyutan. Laging may iniiwang sapat na pulot ang tagapag-alaga upang magpatuloy sa pagpupulot pukyutan ang mga Bubuyog.
Ang Mambububuyog-Pabula Ang Mambububuyog-Pabula   May isang mambububuyog o tagapag-alaga ng mga Bubuyog na masigasig na taga-ipon ng pulot. Kapag naghahanap ng nektar at polen ang mga Bubuyog ay kinukuha ng mga tagapag-alaga ang mga nagawa nang pulot sa mga pulutpukyutan. Laging may iniiwang sapat na pulot ang tagapag-alaga upang magpatuloy sa pagpupulot pukyutan ang mga Bubuyog.  Isang araw habang naghahanap ng polen ang mga Bubuyog at dumadalaw sa mga kamag-anak ang tagapag-alaga ay may magnanakaw na pumasok sa pukyutan. Kinuha ng magnanakaw ang lahat ng pulot. Sinira rin niya ang lahat ng pukyutan.  Nang magbalik ang tagapag-alaga ay galit na galit ito sa pagnanakaw at paninirang ginawa sa kaniyang pukyutan. Pinilit na pagdugtung-dugtungin ng tagapag-alaga ang pukyutang winasak.  Napakasama ng ugali. Ninakaw na niya ang lahat ng pulot, sinira pa ang pukyutan ng mga alaga kong Bubuyog, masamang-masama ang loob na bulong ng tagapag-alaga. Napakababait ng mga Bubuyog ko. Ang mga pulot na handog nila sa akin ay naipagbibili ko sa maraming parokyano.  Habang pinupulot ang nawasak na mga pukyutan ay narinig ng tagapag-alaga ang tila businang mga ugong ng mga Bubuyog na papadating. Nang makita ng mga Bubuyog na wasak na ang kanilang mga pukyutan ay inakala nilang ang tagapag-alaga ang may kagagawan. Sama-sama nilang pinagkakagat ang tagapag-alaga sa kamay, sa leeg, sa mukha.  Magsitigil kayo! galit na sigaw ng tagapag-alaga. Hindi ako kundi ang magnanakaw ang sumira ng inyong pukyutan.  Napatigil ang mga Bubuyog at atentibong nakinig sa amo nila.  Hindi makatarungang ako na nag-alaga sa inyo ang mananagot sa pagkasira ng mga pukyutan. Pinakawalan ninyo ang buhong na magnanakaw. Bakit ako ang inyong pagbibintangan? Hindi kayo makatarungan.  Aral: Upang maging makatarungan magsuri tayo at huwag magbintang.   Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.
Isang araw habang naghahanap ng polen ang mga Bubuyog at dumadalaw sa mga kamag-anak ang tagapag-alaga ay may magnanakaw na pumasok sa pukyutan. Kinuha ng magnanakaw ang lahat ng pulot. Sinira rin niya ang lahat ng pukyutan.
Nang magbalik ang tagapag-alaga ay galit na galit ito sa pagnanakaw at paninirang ginawa sa kaniyang pukyutan. Pinilit na pagdugtung-dugtungin ng tagapag-alaga ang pukyutang winasak.
Napakasama ng ugali. Ninakaw na niya ang lahat ng pulot, sinira pa ang pukyutan ng mga alaga kong Bubuyog, masamang-masama ang loob na bulong ng tagapag-alaga. Napakababait ng mga Bubuyog ko. Ang mga pulot na handog nila sa akin ay naipagbibili ko sa maraming parokyano.
Habang pinupulot ang nawasak na mga pukyutan ay narinig ng tagapag-alaga ang tila businang mga ugong ng mga Bubuyog na papadating. Nang makita ng mga Bubuyog na wasak na ang kanilang mga pukyutan ay inakala nilang ang tagapag-alaga ang may kagagawan. Sama-sama nilang pinagkakagat ang tagapag-alaga sa kamay, sa leeg, sa mukha.
Magsitigil kayo! galit na sigaw ng tagapag-alaga. Hindi ako kundi ang magnanakaw ang sumira ng inyong pukyutan.
Napatigil ang mga Bubuyog at atentibong nakinig sa amo nila.
Hindi makatarungang ako na nag-alaga sa inyo ang mananagot sa pagkasira ng mga pukyutan. Pinakawalan ninyo ang buhong na magnanakaw. Bakit ako ang inyong pagbibintangan? Hindi kayo makatarungan.
Aral: Upang maging makatarungan magsuri tayo at huwag magbintang.

Back To Homepage

Read more⬇

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.