Type Here to Get Search Results !

Ang Matalik Kong Kaibigan

Ang Matalik Kong Kaibigan Ang Matalik Kong Kaibigan  Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.  Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.  Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib.  Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol.  Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan.  Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak.  Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit sa akin ang kapatid niyang si Kristine. Nabundol ng trak ang kotseng sinasakyan niya.  Saan nangyari ito? ang tanong ko.  Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong plate number ng truck. Hit and run ang nangyari.  Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmadali nga akong pumarito, ang wika ko.  Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay magkaibigan na at madalas magkasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.  Bakit kaya siya binawian agad ng buhay? Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan daratihg ang kamatayan. Maaaring sa araw ding ito, o sa madaling panahon.  Kailangang maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa Diyos, at ang pagiging mabait.  Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako ko na gagawan ko ng istorya aqg buhay niya at ang ipapamagat ko ay Ang Matalik Kong Kaibigan.  Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.
T(caps)ulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.
(ads1)
Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.
Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib.
Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol.
Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan.
(ads2)
Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak.
Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit sa akin ang kapatid niyang si Kristine. Nabundol ng trak ang kotseng sinasakyan niya.
Saan nangyari ito? ang tanong ko.
Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong plate number ng truck. Hit and run ang nangyari.
Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmadali nga akong pumarito, ang wika ko.
Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay magkaibigan na at madalas magkasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.
Bakit kaya siya binawian agad ng buhay? Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan daratihg ang kamatayan. Maaaring sa araw ding ito, o sa madaling panahon.
Kailangang maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa Diyos, at ang pagiging mabait.
Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako ko na gagawan ko ng istorya aqg buhay niya at ang ipapamagat ko ay Ang Matalik Kong Kaibigan.

Back To Homepage

Read more⬇

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.