Ang kwentong ito ay tungkol sa isang prinsesa na nawawala gabi-gabi, ngunit walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian, at kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay at pupugutan ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Subalit ang lahat ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa tuwing hating-gabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirahan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa kanyang mga balikat ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at ipinagbilin nito na mag-ingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Ngunit biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini.
Inabotan sya ng isang basong inumin, ngunit itinapon nya ito sa masitera ng halaman habang nakatalikod ang prinsesa. Nawalan agad ng sigla ang mga dahon ng halaman.
Nagkunwaring natutulog ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinuot niya ang mahikang balabal at sinundan kanyang sinundan. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam na kasama ang binata dahil hindi niya ito nakikita .
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga maraming kahoy huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinuot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa palasyo.
Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi? tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya.
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.