I(caps)bat'iba ang mga pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ayon sa mga dalubhasa sa pag-aaral ng balatlupa, noong unang panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya. Walang dagat na namamagitan sa Asya at sa Pilipinas. Nguni't dahil sa pagguho ng lupa, lindol, pagputok ng bulkan at pagbaha ng yelo, ang bahagi ng lupang nag-uugnay ng Pilipinas sa Asya ay gumuho. Ngayon ang nakikita natin sa lugar niyan ay tubig.
(ads1)
May mga nagpapatotoo na ang Pilipinas ay bahagi nga ng Asya noong unang panahon. Kamakailan ay may natuklasang mga bungo ng hayop sa bundok ng Cordillera. Ang mga hayop na tulad nito ay doon lamang nakikita ngayon sa ibang bansa sa Asya at wala sa Pilipinas.
Alinsunod naman sa mga mananalaysay, ang Pilipinas daw noong kauna-unahang panahon ay bahaging labi ng malaking lupalop na lumubog sa dagat ng India na kung tawagi'y Lemuria. Ayon naman sa iba, ito raw marahil ay bahagi ng nawalang lupalop Pacifico na kung tawagi'y Hu.
Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa kundi langit lamang at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na papaglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.
(ads2)
Ang isa pang kinawiwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay ang tungkol kina Silalak at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan ang inunang lalangin ay dagat at langit. Pagka't wala pang buhay noon sa daigdig, ang Punong Pinagmulan ay malulungkutin. Sa kanyang kalungkutan siya ay napaluha. Dalawang patak na luha ang nalaglag sa papawirin at iya'y naging ibon. Sapagka't walang pulong madapuan ang ibon, naibulong ng Punong Pinagmulan ang Nais kong magkaroon ng lupa at kakahuyang dapat madapuan ng ibon. Halos hindi pa nasasabi ito, nang sa di-kawasa, nagkarobn ng lupa at gubat.
Sa puno ng kawayan sa lupang naturan, dumapo ang ibon. Tinuktok ng ibon ang isang biyas na kawayan. Wari'y may mahiwagang tinig na narinig, Lakasan mo ang pagtuktok. Nang tuktukin nang buong lakas ang biyas ng kawayan, nabiyak ito at lumabas ang kauna-unahang lalaki. Siya ay si Silalak. Isinunod ng ibon ang pagtuktok sa isa pang biyas ng kawayan. Nang mabiyak ang kawayan, lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya ay si Sibabay.