S(caps)a pusod ng isang malawak na kagubatan matatagpuan ang Baryo Maligaya. Malalaki ang mga puno rito kaya malamig at malinis ang hangin. Marami ring iba't ibang halamang namumunga at naggagandahang mga ligaw na bulaklak dito. Tahimik at sagana rin sa pagkain ang lugar kaya maligaya ang mga hayop dito. Dahil dito, ang lugar na ito ay tinawag na Baryo Maligaya ng mga naninirahan dito.
Bahagi na ng pamumuhay ng mga nakatira sa Baryo Maligaya ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang. Ang bawat isa ay nagdadala ng masasarap na pagkain na masaya nilang pinagsasaluhan pagkatapos ng palatuntunan.
Read also: Ang oso at ang mga turista,Ang asong bundok at ang tagak,Ang langaw at ang baka,Ang lobo at ang ubas,Ang kuneho at ang aso,