Type Here to Get Search Results !

Noong lason pa ang Lansones

Noong lason pa ang Lansones Noong lason pa ang Lansones  Si Raha Matuwid ay bantog na mandirigma. Siya'y iginagalang ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang kaharian ay pinamumuhayan ng mabubuting mamamayan. Doo'y walang masamang-loob sapagkat kamatayan ang parusa sa paglabag sa batas. Ang balangay ng Laguna sa ilalim ni Raha Matuwid ay masaya at matiwasay.  Isang alipin ang dinala sa hari dahil ito ay nagnakaw.  Bakit ka iniharap sa hukuman? ang tanong ng hari.  Nagnakaw po ako ng kalabaw, mahal na hari.  Alam mo ba kung ano ang parusa sa ginawa mo?  Opo.  Ano?  Kamatayan po.  Noon ding oras na iyon ay pinakain ng lansones ang salarin. Ang lansones ay lason. Sinumang pakainin nito ay karakaraka'y namamatay. Ganyan kung magparusa ang hari. Si Raha Matuwid ay ayaw magparusa sa pamamagitan ng pagpalo, pagbitin, pagpapaaraw, paglakad sa nagbabagang uling ng apoy, at paglulublob sa tubig.    Sa Kaharian ay may mag-asawang palaaway. Ang lalaki ay napakalupit. Kahit ang babae ay walang sala siya'y laging ginugulpi.  Hindi namakatagal ang babae sa hirap. Siya'y nanalangin, Diyos ko, patawarin mo po ako. Kikitlin ko po ang sariling buhay!  Nagkaroon ng mahiwagang liwanag sa loob ng bahay. Nagtaka ang lasenggong asawa. Siya ay nakarinig ng pangungusap.  Macario, ikaw ay lubhang malupit. Ikaw ay nagsusugal at umiinom. Ikaw ay tamad. Kung hindi ka magbabagong asal, ikaw ay mamamatay!  Natakot si Macario.  Hindi narinig ni Angela ang mahiwagang tinig na iyon. Marahil iyo'y hindi dapat iparinig sa kanya. Sapagka't nais niyang wakasan ang lahat, kanyang kinain ang lansones na kanyang tangan.  Nang sandaling yaon si Macario wari'y natigilan. Nakita niyang kinain ng kanyang asawa ang lansones subali't hindi man lamang niya pinagbawalan ito. Ang babae'y hindi namatay. Bagkus pa ngang naging maganda kaysa rati.  Isang araw si Macario ay nagsadya kay Raha Matuwid sa Palasyong Kristal.  Mahal na hari po, ako'y naparito upang magbalita ng mahiwagang pangyayari. Kilala ba ninyo si Angela na aking asawa? Ito siya. Batang-bata at anong ganda!  Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari, ang utos ng hari.  Nang nagdaang linggo si Angela ay nakaisip magpatiwakal. Kinain niya ang isang buwig ng lansones. Matapos kainin ang lasong bungangkahoy siya'y bumata at naging maganda sa halip na mamatay!  Iya'y isang kababalaghan! Totoo? Nasaan ang lansones?  Marami po sa aming looban. Ang amin pong punong kahoy ay hitik sa bunga!  Noon di'y ipinag-utos ng hari na manguha ang mga kawal. Upang matiyak kung ano ang mangyayari sa kakain, pinagbibigyan niya ang mga bilanggong hinatulan ng kamatayan. Ang mga bilanggo ay kumain subali't hindi namatay. Sabi nila'y ang bungangkahoy ay masarap. Tumikim din ang Raha. Napag-alaman niyang ito'y matamis.  Mula noon ang lansones ay kinain nang mga tao. Tunay, ang buto ay mapait! Mapait upang ipaalala ang naging buhay ni Angela sa ilalim ng kalupitan ng asawa. Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.  Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.
Noong lason pa ang Lansones

Si Raha Matuwid ay bantog na mandirigma. Siya'y iginagalang ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang kaharian ay pinamumuhayan ng mabubuting mamamayan. Doo'y walang masamang-loob sapagkat kamatayan ang parusa sa paglabag sa batas. Ang balangay ng Laguna sa ilalim ni Raha Matuwid ay masaya at matiwasay.

Isang alipin ang dinala sa hari dahil ito ay nagnakaw.

Bakit ka iniharap sa hukuman? ang tanong ng hari.

Nagnakaw po ako ng kalabaw, mahal na hari.

Alam mo ba kung ano ang parusa sa ginawa mo?

Opo.

Ano?

Kamatayan po.

Noon ding oras na iyon ay pinakain ng lansones ang salarin. Ang lansones ay lason. Sinumang pakainin nito ay karakaraka'y namamatay. Ganyan kung magparusa ang hari. Si Raha Matuwid ay ayaw magparusa sa pamamagitan ng pagpalo, pagbitin, pagpapaaraw, paglakad sa nagbabagang uling ng apoy, at paglulublob sa tubig.

Sa Kaharian ay may mag-asawang palaaway. Ang lalaki ay napakalupit. Kahit ang babae ay walang sala siya'y laging ginugulpi.

Hindi namakatagal ang babae sa hirap. Siya'y nanalangin, Diyos ko, patawarin mo po ako. Kikitlin ko po ang sariling buhay!

Nagkaroon ng mahiwagang liwanag sa loob ng bahay. Nagtaka ang lasenggong asawa. Siya ay nakarinig ng pangungusap.

Macario, ikaw ay lubhang malupit. Ikaw ay nagsusugal at umiinom. Ikaw ay tamad. Kung hindi ka magbabagong asal, ikaw ay mamamatay!

Natakot si Macario.

Hindi narinig ni Angela ang mahiwagang tinig na iyon. Marahil iyo'y hindi dapat iparinig sa kanya. Sapagka't nais niyang wakasan ang lahat, kanyang kinain ang lansones na kanyang tangan.

Nang sandaling yaon si Macario wari'y natigilan. Nakita niyang kinain ng kanyang asawa ang lansones subali't hindi man lamang niya pinagbawalan ito. Ang babae'y hindi namatay. Bagkus pa ngang naging maganda kaysa rati.

Isang araw si Macario ay nagsadya kay Raha Matuwid sa Palasyong Kristal.

Mahal na hari po, ako'y naparito upang magbalita ng mahiwagang pangyayari. Kilala ba ninyo si Angela na aking asawa? Ito siya. Batang-bata at anong ganda!

Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari, ang utos ng hari.

Nang nagdaang linggo si Angela ay nakaisip magpatiwakal. Kinain niya ang isang buwig ng lansones. Matapos kainin ang lasong bungangkahoy siya'y bumata at naging maganda sa halip na mamatay!

Iya'y isang kababalaghan! Totoo? Nasaan ang lansones?

Marami po sa aming looban. Ang amin pong punong kahoy ay hitik sa bunga!

Noon di'y ipinag-utos ng hari na manguha ang mga kawal. Upang matiyak kung ano ang mangyayari sa kakain, pinagbibigyan niya ang mga bilanggong hinatulan ng kamatayan. Ang mga bilanggo ay kumain subali't hindi namatay. Sabi nila'y ang bungangkahoy ay masarap. Tumikim din ang Raha. Napag-alaman niyang ito'y matamis.

Mula noon ang lansones ay kinain nang mga tao. Tunay, ang buto ay mapait! Mapait upang ipaalala ang naging buhay ni Angela sa ilalim ng kalupitan ng asawa. Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.

Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.