M(caps)ay isang mahalagang katungkulan si Apollo ang diyos ng araw. Tuwing umaga ay sumasakay siya sa kanyang gintong karuwahe at tangang mahigpit ang riyenda ng mga kabayo ay naglalakbay siya nang buong maghapon. Sa katapusan ay pumapasok siya sa tarangkahan ng kanluran.
Si Aurora ay diyosa ng bukang-liwayway. Siya ang nagbubukas ng pinto sa silangan at humahawi ng itim na kurtina ng gabi, nagtataboy sa mga bituin upang maging handa ang lahat sa pagdating ni Apollo.
Laking lungkot ni Aurora nang ang isa sa kanyang mga anak ay namatay. Umiyak siya nang umiyak. Tuwing madaling araw habang ginagampanan niya ang kanyang katungkulan ay pumapatak ang kanyang luha na parang, butil ng kristal sa damuhan.
Read also: Little red riding hood,Himala sa kapaskuhan,Dalawang lapis,Matapat na bayani,Ang kalabaw at ang tagak,