Type Here to Get Search Results !

Dahil sa Karunungan Nagkaroon ng Kinang ang Ating Bayan

K(caps)arunungang pantas ay sigla ng buhay
Na sa ati'y galing ang ibinibigay,
Siyang naggagawad sa sariling Bayan
ng walang paglipas na mga tagumpay,
At katulad pa rin ng hanging mahinay,

Dahil sa karunungan nagkaroon ng kinang ang ating bayan
nagpapasariwa sa kabulaklakan, 
gayundin ang dulot niyong karunungan
Na nagpapayabong sa sangkatauhan. 

Dahilan sa kanya'y nagpapakasakit
ang tao pati na ng pananahimik,
dahilan sa kanya'y nanasnaw na pilit
ang sining at agham na kaakit-akit, 
na siyang sa tao'y nagbibigay-dikit,
bukal sa bundukin na lubhang malinis,
gayon dina,ng dunong: nanunuyong tikis
sa bayang payapa't ligtas sa ligalig.

Doon saang trono'y ginawa ng dunong,
bagong kabataa'y sadyang umuusbong,
mga kamalia'y kan'yang natutunton,
at dangal ng diwa ang pinayayabong,
ang liig ng bisyo'y kanyang napuputol;
sala'y namumutla kung nasasalubong:
sinusupil niya ang bansang ulupong,
at hangal mang tao'y kanyang inaampon

At gaya ng bukal, na kung didilig'
sa mga halama't bukid sa paligid, . .
ay inihahandog nang buong pag-ibig
sa lahat ang kanyang malamig na tubig ,
sa mga pasiga't kanugnog na bukid,
sa kalikasan ma'y hindi nagkakait:
gayon din ang taong sa dunong mahilig,
sa lalong mataas na dangal nananhik.

Sa kaniyang labi'y daloyna malinis
ng bait at dunong ang namamalisbis,
ang aral ng kanyang buong pananalig
ay nagpapalayo sa masamang hilig,
na nangababasag sa pampang pagsapit,
katulad ng alon pag humahagupit,
at ito'y uliran ng taong may isip,
na ang tinutungo'y landasin ng langit.

Sa dibdib ng taong kapus-kapalara'y
siyang nagbibigay ng kaliwanagan;
siyang gumagapos sa salarin nama't
sa iba ay aliw ang iniaalay,
kung ang buti niya'y siyang pinapakay "
at sa kanyang dibdib ang buti'y may tanglaw; 
at ang karunungan ay lubhang marangal, 
na siyang pabangong tiyak na sa buhay.

Katulad ng isang kabatuhang lantad
sa gitna ng alon na lybhang marahas
Pag- angil ng bagyo na napakalakas
ay dinudusta lang kung pinagmalas
Na kapag napagod sa unang paghampas
ay umuurong na't takot na aalpas; 
gayundin ang dunong na siyang may hawak
Ng sa bayan nati'y pamitik lakad.

Sa batong sapiro niyayaring sadya,
pinapupurihan ang Iupaing mutya;
sapagka't sa dibdib ng anak napunla
ang halamang iyong bulaklak ay diwa;
at sa pag-ibig ding laging nasisira'y
mamamasdan niyong nangamamahala
sabayang marangal na tapat sa tuwa,
kabihasna'y siyang inaalagata .


Tulad sa umagang waring ginintuang
ginto rin ang buhos ng bukang liwayway,
tulad ng umagang ginto't pulang kulay
Ang isinasabog na lubhang makinang;
ganyan din ang handog sa ating niyang 
karunungang may hiyas na hain sa nangabubuhay, 
At siyang sa ating bayang minamahal
Ay nagbibigay ng pagkawalang hanggan.

Back To Homepage

Read more

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.