Type Here to Get Search Results !

Awit ng manlalakbay -El Canto Del Viajero Tagalog na bersyon

Ang tula na ito ay tinatawag na El Canto Del Viajero o isang awit ng manlalakbay. Ito po ay isinulat ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose P. Rizal.Maaaring  isalin ito sa ibang wika gamit ang  Google translate. 

Tuyong dahong lumilipad sa kung saang hindi alam,
Sinisiklot dito’t doon ng bugso ng biglang ulan;
Ganyan dito sa daigdig ang buhay ng maglalakbay,
Ni patnubay, sigla… wala; at wala ring sinta’t bayan.

Tuyong dahong lumilipad sa kung saang hindi alam, Sinisiklot dito’t doon ng bugso ng biglang ulan; Ganyan dito sa daigdig ang buhay ng maglalakbay, Ni patnubay, sigla… wala; at wala ring sinta’t bayan.  Kahit saan, kapalara’y mapilit na hinahanap, Yaon nama’y lumalayong buong bilis, tumatakas… Ang aninong mapagkunwa, sa nasa’y may panghahamak; Dahil dito, maglalakbay – natataboy nga sa dagat.  Sa udyok ng tanging kamay na di naman nakikita, Ginagawa’y maglagalag sa lupaing iba’t iba; Siya’y walang kaulayaw kundi mga alaala Ng katotong mga mahal at araw na maligaya.  Sa may ilang, isang libing ang kaypala’y matagpuan, Na ampunang sakdal-tamis, lipos ng kapayapaan; Limot na ng sintang lupa’t gayon din ng daigdigan. Mamahinga nawa siya matapos na mahirapan!  Sa lungkuting maglalakbay, sila’y pawang naiinggit Kapag siya ay matuling bumabagtas sa daigdig; Hindi nila nalalamang sa kalul’wang walang imik, Mayro’n doong isang guwang; kulang dito ay pag-ibig.  Magbabalik ang lagalag sa kaniyang sintang lupa, At marahil sa kaniyang tahanan ma’y muwing kusa; Magtatagpo niya roon, kahit saan: bubog, giba, Nangasayang na pag-ibig, mga libing… Wala na nga!  Lumakad ka, maglalakbay; ituloy ang iyong landas. Tagaibang-lupa ikaw sa bayan mong kapuspalad. Bayaan mong tanang iba ay umawit ng pagliyag, At iba pa’y mangalugod; bumalik ka sa pagtulak.  Maglalakbay, lumakad ka; h’wag lilingon kaunti man. Walang luhang sumusunod sa pagbanggit ng paalam. Maglalakbay, lumakad ka; lunurin mong kahirapan. Nanlilibak ang daigdig sa ibang may kahapisan!
Kahit saan, kapalara’y mapilit na hinahanap,
Yaon nama’y lumalayong buong bilis, tumatakas…
Ang aninong mapagkunwa, sa nasa’y may panghahamak;
Dahil dito, maglalakbay – natataboy nga sa dagat.
(ads1)
Sa udyok ng tanging kamay na di naman nakikita,
Ginagawa’y maglagalag sa lupaing iba’t iba;
Siya’y walang kaulayaw kundi mga alaala
Ng katotong mga mahal at araw na maligaya.

Sa may ilang, isang libing ang kaypala’y matagpuan,
Na ampunang sakdal-tamis, lipos ng kapayapaan;
Limot na ng sintang lupa’t gayon din ng daigdigan.
Mamahinga nawa siya matapos na mahirapan!

Sa lungkuting maglalakbay, sila’y pawang naiinggit
Kapag siya ay matuling bumabagtas sa daigdig;
Hindi nila nalalamang sa kalul’wang walang imik,
Mayro’n doong isang guwang; kulang dito ay pag-ibig.
(ads2)
Magbabalik ang lagalag sa kaniyang sintang lupa,
At marahil sa kaniyang tahanan ma’y muwing kusa;
Magtatagpo niya roon, kahit saan: bubog, giba,
Nangasayang na pag-ibig, mga libing… Wala na nga!

Lumakad ka, maglalakbay; ituloy ang iyong landas.
Tagaibang-lupa ikaw sa bayan mong kapuspalad.
Bayaan mong tanang iba ay umawit ng pagliyag,
At iba pa’y mangalugod; bumalik ka sa pagtulak.

Maglalakbay, lumakad ka; h’wag lilingon kaunti man.
Walang luhang sumusunod sa pagbanggit ng paalam.
Maglalakbay, lumakad ka; lunurin mong kahirapan.
Nanlilibak ang daigdig sa ibang may kahapisan!


Back To Homepage

Read more

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.