Type Here to Get Search Results !

Alamat ng Saging

Noong unang panahon , sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila'y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man , di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Alamat ng Saging(Legend of the Banana) Alamat ng Saging( Noong unang panahon , sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man , di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.  Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga ang papalayong tumakbo na si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging ng tuluyan, at naiwang umiiyak si Juana. Tanging ang makisig na braso na lang ang naiwan ni Aging.   Pinulot ni Juana ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.  Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na biglang tumutubo sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na parang isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.  Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.  "Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.   Magmula noon, ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa paglipas ng maraming taon ito`y naging saging. Be one of the Community. Publish your writings in this site. to do this: just kindly send your writings @ lermzdomy.writer@blogger.com. Your writings will automatically publish in this site. For more info just kindly click here.
Alamat ng Saging(Legend of the Banana)

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga ang papalayong tumakbo na si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging ng tuluyan, at naiwang umiiyak si Juana. Tanging ang makisig na braso na lang ang naiwan ni Aging.   Pinulot ni Juana ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na biglang tumutubo sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na parang isang kamay na may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon, ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa paglipas ng maraming taon ito`y naging saging.

Back To Homepage

Read more⇊

Free Download Alamat ng Saging pdf. Kindly click the button below.

Free Download

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.